Video ni Kobe Bryant habang tumutulong sa isang aksidente, viral

Video ni Kobe Bryant habang tumutulong sa isang aksidente, viral

- Muling nagviral ang video kung saan spotted si Kobe Bryant na tumutulong sa isang aksidente

- Ayon sa nasabing video, isa si Kobe sa mga nakasaksi sa isang major accicent sa LA noong Disyembre 2019

- Pero sa halip na umalis ito dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon ay bumaba pa ito sa kanyang sasakyan at inalo ang ilan sa mga sangkot sa aksidente

- Pinuri ng maraming netizens ang ginawa ng itinuturing na isa sa mga idolo sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nagviral ang video kung saan spotted si Kobe Bryant na tumutulong sa isang aksidente Newport Beach, California noong Disyembre 2019.

Sa video na ni-reupload ng TMZ, sinabing isa si Kobe sa mga saksi nang maganap ang isang car crash.

Ngunit sa halip na umalis ito dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon ay bumaba pa ito upang i-comfort ang ilan sa mga nasangkot sa aksidente.

Bagamat maliit na bagay lamang ito para kay Kobe, maituturing na malaki ang epekto nito sa mga nakakita sa kanyang concern para sa iba.

Maririnig pa ang isang lalaki sa background na nagsasalita at tila hindi ito makapaniwala na makita si Kobe Bryant sa ganoong sitwasyon.

"Kobe Bryant watched a major car crash unfold right in front of him in Newport Beach, CA on Friday -- but didn't leave the scene ... he stuck around to comfort everyone involved," ayon sa report.

Pinuri ng mga netizens ang ginawa nito, na isa sa mga itinuturing na idolo sa buong mundo.

"Kobe is the man. Walking the streets like nothing."
"Kobe walking thru the streets like he's Black Jesus!"
"Kobe directing traffic like he did on the Court!"
"He just passed away. This was a good man and it shows, may he rest in peace. RIP KOBE."
"Kobe Bryant a man of the people."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ginulat ang buong mundo ng malungkot na balita ng pagpanaw ng former NBA player na si Kobe Bryant, na una nang naiulat ng KAMI.

Kasama nitong nasawi ang 13-anyos na anak na si Gianna Bryant sa isang helicopter crash, na naibalita na rin ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel