Desperadong pasyente sa China, tinanggalan ng mask at dinuraan ang isang medical staff

Desperadong pasyente sa China, tinanggalan ng mask at dinuraan ang isang medical staff

- Tinanggalan ng mask ng isang pasyente na biktima ng Novel Coronavirus sa China ang isang medical staff

- Ito ay matapos niyang ma confine sa ospital dahil sa naranasan niyang lagnat

- Binigyan diumano ng mask ng isang medical staff ang pasyente para hindi siya mahawa ng ibang sakit na maari pang makapagpalala sa kanyang kalagayan

- Tumanggi umano ang pasyente sabay tinanggal ang mask ng nasabing medical staff at dinuraan pa niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang ulat ng Yahoo TW, ibinahagi ng isang Chinese netizen ang screenshot ng conversation niya sa isang kaibigang nagtatrabaho sa ospital. Tuloy diumano ang trabaho ng mga medical staff kahit noong Chinese New Year dahil sa pagdagsa ng pasyente sa ospital.

Ibinahagi ng kaibigan ng netizen ang kanyang karanasan sa isang pasyente na nagkaroon ng lagnat. Binigyan diumano ng medical staff ng mask ang pasyente para mapigilan ang pagkahawahan ng iba't-ibang uri ng sakit.

Bigla diumano nagwala ang lalaki nang iabot niya ang mask. Sumigaw diumano ito sa medical staff na wala nang silbi pa ang pagsuot ng mask dahil may sakit na siya. Kasunod nito tinanggal diumano ng lalaki ang mask ng medical staff at dinuraan pa ito.

Aniya kung hindi na rin siya mabubuhay dapat ay lahat na sila ay mamatay din. Dismayado diumano ang pasyente sa kakulangan ng ospital.

Desperadong pasyente sa China, tinanggalan ng mask at dinuraan ang isang medical staff

Desperadong pasyente sa China, tinanggalan ng mask at dinuraan ang isang medical staff
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa medical staff, sa buong buhay niya na nagtatrabaho sa ospital, napaiyak sa unang pagkakataon. Kinailangan niyang i-quarantine dahil sa nangyari. Nanatili siyang positibo at umaasang isang normal na lagnat lamang ang sakit ng pasyente.

Desperadong pasyente sa China, tinanggalan ng mask at dinuraan ang isang medical staff

Desperadong pasyente sa China, tinanggalan ng mask at dinuraan ang isang medical staff
Source: Twitter

Ayon pa sa ulat ni Dan Martin ng AFP News, Tinataya ng Global Virome Project na nasa 1.7 million na uri ng viruses ang hindi pa ndidiskubre sa wildlife at halos kalahati nito ay mapanganib sa kalusugan ng tao.

Matatandaang kasalukuyang nasa lockdown ang ilang lungsod sa China matapos kumalat ang Novel Coronavirus na sinasabing nakaapekto na sa mahigit 2,000 katao.

POPULAR: Read more about more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel