Kobe Bryant, patungo sana sa basketball tournament ng anak nang mangyari ang aksidente

Kobe Bryant, patungo sana sa basketball tournament ng anak nang mangyari ang aksidente

- Patungo pala sa Mamba Sports academy ang mag-amang sina Kobe Bryant at anak nitong si Gianna

- Parehong nasawi ang mag-ama nang mag-crash ang sinasakyan nilang helicopter patungo sana sa basketball tournament ng anak

- Coach sana si Kobe ng anak na si Gianna na sumusunod sa yapak niyang maging basketball star

- Mula nang mag-retiro si Bryant sa National Basketball Association noong 2016, wala na itong pinagkaabalahan kundi ang pagiging coach ni Gianna sa middle-school basketball team nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanlulumong balita ang bumungad sa mundo nang umugong ang balitang pumanaw na ang NBA Superstar na si Kobe Bryant.

Kasama ng 41-anyos na NBA legend ang anak nitong si Gianna na nasawi rin sa helicopter crash.

Ayon sa ABS-CBN na siyang nagbahagi ng ulat ni Andrew Hay ng Reuters, patungo sana ang mag-ama sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California nang mag-crash ang sinasakyan nilang helicopter.

Mula nang magretiro ito sa National Basketball Association noong 2016, nagsilbi na itong coach ng middle-school basketball team ng anak niyang si Gianna kaya naman tinawag itong "Mambacita."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kadalasan ding laman ng mga social media post ni Kobe ang anak na si Gianna. Super proud ang ama sa pagsunod sana ni Gianna sa mga yapak niya pagdating sa basketball.

Balak sana ni Gianna na pasukin ang Women's National Basketball Association pagkatapos nito ng kolehiyo.

Naulila ni Kobe ang tatlo pa nitong anak sa asawang si Vanessa na labis na nagluluksa ngayon.

Nakilala si Kobe Bryant sa husay nito sa paglalaro ng basketball sa kanyang team na Lakers sa loob ng 20 na taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel