Ilang paaralan sa Maynila, nagsuspinde ng klase dahil sa "Corona virus scare"

Ilang paaralan sa Maynila, nagsuspinde ng klase dahil sa "Corona virus scare"

- Nagkansela ng klase ang ilang paaralan sa Metro Manila kaugnay ng pangamba sa kumakalat ngayon na Corona virus

- Karamihan ng paaralang nagsuspinde ng klase ay mga Chinese schools sa Maynila

- Bagaman at wala pa raw kumpirmadong kaso ng Corona virus sa nasabing lugar, minabuti ng mga paaralan na huwag munang papasukin ang kanilang mag-aaral

- Karamihan din sa mga nagsuspinde ay naka "indefinite" supensions na nangangahulugang i-aanunsyo na lamang muli nila kung kailan na papapasukin ang kanilang mga estudyante

- Daraan muna ang lahat ng mga empleyado at mag-aaral sa pagsusuri lalo na kung nagbiyahe ang mga ito sa bansang Tsina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsuspinde ng klase ang ilang paaralan sa Metro Manila kaugnay ng kumakalat na Corona virus mula di umano sa Wuhan, China.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nangamba ang mga naturang paaralan sa nakamamatay na respiratory virus na ito kaya naman minabuti nilang huwag munang papasuki ang kanilang mga mag-aaral.

Mapapansing karamihan din sa mga paaralang nagsuspinde ay mga Chinese schools sa pangambang ang ilan sa mga estudyante nila ay nakapag-abroad mula Tsina.

Ang ilan pa sa mga paaralang ito ay naka-indefinite suspension. Ibig sabihin, i-aanunsyo na lamang nila kung kailan muli magkakaroon ng klase.

Paliwanag ng ilang paaralan, daraan muna sa masusing pagsusuri ang lahat ng kanilang mga empleyado at estudyante lalo na iyong mga lumabas ng bansa.

Wala pa mang kumpirmadong kaso ng Corona virus sa Metro Manila, mainam na raw na makasiguro para sa kapakanan ng nakararami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang mga paaralan nagsuspinde ng klase at nag-anunsyo na sa kanilang mga social media pages:

Sa naunang ulat ng KAMI, isang hospital worker sa Binondo ang nangamba matapos na may-isugod na Chinese mula Wuhan,China.

Umiinda raw umano ito ng sipon, ubo at lagnat na di umano'y sintomas ng Corona, virus.

Humingi ng tulong ang hospital worker na ito sa programa ni Raffy Tulfo upang makarating sa kinauukulan.

Wala pang kumpirmasyon kung Corona virus nga ba ang sakit ng lalaki ngunit nagsagawa na ng test ang ospital upang malaman ang tunay na kalagayan ng pasyente.

Ang Corona virus ay isang nakamamatay na respiratory virus na pareho ng dati nang gumimbal na sakit sa mundo na SARS.

Sinasabing nagmula ito sa pagkain ng mga taga-Tsina ng exotic animal food tulad ng paniki, daga at maging aso.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel