Nasa 500 na Chinese tourists na papasok sana sa bansa, pinabalik sa Wuhan

Nasa 500 na Chinese tourists na papasok sana sa bansa, pinabalik sa Wuhan

- Tinatayang nasa 500 na Chinese tourists ang dumating sa bansa ngunit pinabalik na sa Wuhan, China

- Ibabalik sa pamamagitan ng mga chartered flights ang mga Chinese tourist ngayong Enero 27

- Pagkatapos na maibalik ang mga turistang ito, magiging mas mahigpit na ang mga airlines sa bansa at di na talaga magpapapasok ng mga turistang mula sa Wuhan

- Nagtaka rin umano ang Civil Aeronautics Board kung bakit naibyahe pa ang 500 turista na ito gayung naka-lockdown na ang mga taga-Wuhan, China

- Maging sa ibang mga pasahero mula sa abroad ay bibigyan din ng mga passenger health forms upang madaling ma-track ang mga health information nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

500 Chinese tourists ang nakatakdang ibalik ng Wuhan, China ngayong Enero 27.

Ayon sa CNN Philippines, nakarating pa umano ang mga ito noong Enero 24 lulan ng Royale Air Philippines and Thai Pacific Airlines.

Labis na nagtataka ang Civil Aeronautics Board kung bakit nakapagbiyahe pa ang mga ito gayung naka-total lockdown na ang lugar dahil sa coronavirus outbreak doon.

Mahigpit na ring nag-iingat ang mga airpost officials sa NAIA Terminal 1 na di na umano nagtatanggal ng mga mask para na rin sa kanilang seguridad.

Ayon pa kay Carmello Arcilla, Executive director ng Civil Aeronautics Board, matapos na maibalik ang mga turista, mas lalong maghihigpit ang mga airlines at di na muling magpapapasok lalo na kung ang mga turista ay mula sa Wuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patuloy din ang kanilang pagmo-monitor sa sitwasyon kaya naman bukod sa mga thermal scanners, mamimigay din ang mga ito ang passenger health forms na pasasagutan sa mga pasahero.

Sa ganitong paraan, mas madali nilang mata-track ang health condition ng mga turista.

Di maiiwasang mangamba ng iba pang mga nagbibiyahe at dumaraan sa airport. Bagaman at di sa Wuhan, takot sila na may makasalamuha na na-expose sa naturang nakamamatay na virus.

Bagaman at wala pang kumpirmadong kaso ng nakamamatay na respiratory virus sa Pilipinas, ibayong pag-iingat ang ating isinasagawa upang di na ito kumalat sa ating bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel