Michael Jordan, nagluluksa sa pagkamatay ng kapwa NBA legend na si Kobe Bryant

Michael Jordan, nagluluksa sa pagkamatay ng kapwa NBA legend na si Kobe Bryant

- Labis na ikinalulungkot ni Michael Jordan ang pagkamatay ng kapwa niya NBA legend na si Kobe Bryant

- Sa pamamagitan ng isang statement nagbigay ito ng mensahe ng pakikidalamhati sa nangyaring trahedya

- Kasama ang anak ni Kobe na si Gianna sa mga nasawi

- Sa huling update, kinumpirma ng mga awtoridad na siyam na katao ang sakay ng helicopter kabilang ang mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ikinalulungkot ng basketball superstar na si Michael Jordan ang pagkamatay ng kapwa niya NBA legend na si Kobe Bryant.

Una nang naiulat ng KAMI ang trahedyang kinasangkutan ni Kobe noong Linggo ng umaga.

Sa pamamagitan ng isang statement nagbigay ito ng mensahe ng pakikidalamhati sa nangyaring trahedya.

"I am in shock over the tragic news of Kobe's and Gianna's passing. Words can't describe the pain I'm feeling. I loved Kobe- he was like a little brother to me. We used to talk often, and I will miss those conversations very much. He was a fierce competitor, one of the greats of the game and a creative force.

"Kobe was also an amazing dad who loved his family deeply - and took great pride in his daughter's love for the game of basketball. Yvette joins me in sending my deepest condolences to Vanessa, the Lakers organization and basketball fans around the world," ayon sa statement ni Michael.

Kasama ni Kobe ang 13-anyos na anak na si Gianna sa helicopter at isa sa mga nasawi, na una nang naibalita ng KAMI.

Lumalabas na papunta sana sa Mamba Sports Academy ang grupo nang maganap ang malagim na aksidente.

Ayon sa pinakahuling update, sinabi ng mga awtoridad na siyam ang sakay ng helicopter at walang survivor mula sa mga ito, kabilang na amg mag-amang Kobe at Gianna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel