Kobe Bryant, nasawi sa 1 helicopter crash sa California

Kobe Bryant, nasawi sa 1 helicopter crash sa California

- Nasawi sa isang helicopter crash sa California ang basketball legend na si Kobe Bryant ayon sa ilang reports na lumabas

- Batay sa mga ulat, sakay ng kanyang helicopter nito lamang Linggo ng umaga, kasama ng apat na iba pa si Bryant

- Naulila nito ang asawang si Vanessa Bryant at apat na anak

- Pumanaw si Bryant sa edad na 41

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa ang basketball legend na si Kobe Bryant sa mga nasawi sa isang helicopter crash sa Calabasas, California nito lamang Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat ng TMZ at Daily Mail, sakay si Bryant ng kanyang helicopter kasama ang apat na iba pa nang maganap ang malagim na aksidente.

Rumisponde umano ang Los Angeles County Sheriff's Department sa report bandang 10:00 ng umaga at walang naiulat na survivor.

Ayon sa ilang saksi, narinig pa ang maingay na makina ng helicopter bago ito tuluyang bumagsak.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente at wala pang naiulat hanggang sa kasalukuyan.

Pumanaw si Bryant sa edad na 41 at naulila nito ang asawang si Vanessa Bryant at tatlong anak na sina Gianna, Natalia, Bianca at ang bagong silang na si Capri.

Ayon sa mga ulat, matagal nang sumasakay si Bryant sa kanyang helicopter kahit noong naglalaro pa ito para sa Lakers.

Si Bryant at isang Philadelphia native at 20 taong naging bahagi ng Lakers.

Nagkamit ito ng limang NBA championships at 18 All-Star titles bago ito nag-retiro noong 2016.

Siya ang kauna-unahang guard sa NBA history na nakapaglaro sa loob ng 20 seasons.

Patuloy itong nagkamit ng tagumpay at pagkilala hanggang sa mapilitan itong mag-retiro noong 2015/16 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel