Video ng 2 Pinoy na kumakain ng "Bat Soup," umani ng reaksiyon mula sa netizens

Video ng 2 Pinoy na kumakain ng "Bat Soup," umani ng reaksiyon mula sa netizens

- Usap-usapan ngayon sa Facebook ang isang video ng dalawang Pinoy na kumakain ng bat soup

- Hindi naman natukoy kung kailan ginawa ang nasabing video pero umani ito ng reaksiyon sa mga Pinoy netizens

- Makikita ang magkaibigan sa video na inilalarawan ang lasa ng Bat soup na binanggit din nila na may kamahalan

- Matatandaang isa ito sa pinaghihinalaang pinanggalingan ng pinangangabahang coronavirus ngayon sa China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang magkaibigang Pinoy ang gumawa ng video kung saan sinusubukan nila ang bat soup. Hindi malinaw kung kailan at saang lugar ginawa ang nasabing video pero umani ito ng reaksiyon mula sa mga Pinoy netizens.

Nang matikman na nila ang sabaw, lasang sinigang daw ito na mapanghi ang amoy. Unti-unti din nilang binalatan ang Fruit bat para tikman ang laman nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para din daw chicken ang karne nito. Sikat daw ito at may kamahalan. Nasa 35 dollars daw ang isang serving ng bat soup ayon sa kanila.

Matatandaang isa ito sa napabalitang dahilan ng paglaganap ng coronavirus na nagmula sa Wuhan, China. Kasalukuyang naka-lock down ang ilang lungsod sa China dahil sa kumakalat na epidemya.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

Mga baliw ew daw naka2takot piro ka2inin pala
Sana sa inyo nlng ung sakit na makuha nyo pti hndi ung mga wlang kamalay malay madamay pa sa gngwa nyo
Bat soup? Ewww! Please send them for quarantine para makasigurado Mamaya May corona virus yan
Happy? kainin nyo na agad dami pang kuda! Inookray nyo ba ang paniki bago nyo kainin! imbyerna

Ayon pa sa ulat ni Dan Martin ng AFP News, Tinataya ng Global Virome Project na nasa 1.7 million na uri ng viruses ang hindi pa ndidiskubre sa wildlife at halos kalahati nito ay mapanganib sa kalusugan ng tao. Matatandaang kasalukuyang nasa lockdown ang ilang lungsod sa China matapos kumalat ang Novel Coronavirus na sinasabing nakaapekto na sa mahigit 2,000 katao.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel