"Bushmeat" trade sa China, maaring magdala pa ng mga sakit ayon sa mga eksperto

"Bushmeat" trade sa China, maaring magdala pa ng mga sakit ayon sa mga eksperto

- Ayon sa mga eksperto, maaring magdala pa ng mga panibagong sakit ang "Bushmeat" trade sa China

- Ang Bushmeat ay mga karneng nakukuha mula sa mga wild animals kagaya ng napabalitang Bat soup na pinanggalingan ng Novel Coronavirus

- Pinaniniwalaang, nagmula ang sakit saa meat market sa central city ng Wuhan sa China

- Ang paglabas ng ganitong sakit ay nagpapakita lamang na laganap pa rin ang pagbebenta ng mga karne ng mga wild animals

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng babala ang ilang eksperto na maari magdala pa ng panibagong sakit ang pagkokonsumo ng Bushmeat o karne mula sa mga hayop na maituturing na hindi angkop para kainin.

Kagaya sa naunang kaso ng paglaganap ng SARS virus 17 taon na ang nakakaraan, ang Novel Coronavirus ay nagmula din diumano sa pagkain ng Bushmeat.

Ang panibagong epidemya ay nagpapakita lamang diumano na hanggang sa kasalukuyan ay laganap pa rin sa China ang Bushmeat trade.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinaniniwalaan ng mga Chinese health officials na nagmula ang sakit sa illegal na bentahan ng karne mula sa wild animals kagaya ng daga, batang lobo, butiki at iba pang karne na maituturing na exotic.

Ayon kay Peter Daszak, president ng EcoHealth Alliance, ang ganitong kalakaran ay nagdadala ng panganib lalo na mula sa mga virus mula sa mga hayop.

Ayon pa sa ulat ni Dan Martin ng AFP News, Tinataya ng Global Virome Project na nasa 1.7 million na uri ng viruses ang hindi pa ndidiskubre sa wildlife at halos kalahati nito ay mapanganib sa kalusugan ng tao.

Matatandaang kasalukuyang nasa lockdown ang ilang lungsod sa China matapos kumalat ang Novel Coronavirus na sinasabing nakaapekto na sa mahigit 90,000 katao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel