Dina Bonnevie, binalikan ang naging isyu nila ni Coney Reyes noong araw

Dina Bonnevie, binalikan ang naging isyu nila ni Coney Reyes noong araw

- Muling inalala ni Dina Bonnevie ang naging isyu nila ni Coney Reyes noong araw

- Sa kanyang bagong palabas sa Kapuso network, nakarelate si Dina sa storya kung saan nakaaway niya ang kanyang bestfriend dahil sa isang lalaki

- Nagpapasalamat din siya sa aktres dahil siya umano ang isa sa mga dahilan ng lalong paglapit niya sa Panginoon

- Hanga din diumano siya sa pagpapalaki nito sa anak niya kay Vis=c Sotto na si Mayor Vico Sotto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinariwa ni Dina Bonnevie ang nakaraan kung saan nairelate niya sa bagong teleserye ng Kapuso na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Kagaya sa kanyang ginampanan sa serye, nagkaroon din siya ng karanasan na magkaroon ng conflict sa kapwa babae dahil sa lalaking minahal.

Gayunpaman, nilinaww ni Dina na naging mas malapit siya sa Panginoon dahil sa aktres na si Coney Reyes. Si Coney Reyes ay naging karelasyon ng dating asawa ni Dina na si Vic Sotto. Nagkaroon sila ng anak na ngayon ay Mayor sa Pasig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mag co-host sina Vic at Coney sa Eat Bulaga mula taong 1982 hanggang 1995. Nagkahiwalay naman si Dina at Vic noong 1986 at naaprubahan ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasala taong 1992.

“Pero ayun, kaya sabi ko, ‘God is good.’ Parang He really finds a way to heal your heart and to heal the relationships. And parang, from how she was before and now, kapuri-puri talaga. I admire her, and I’m happy," ani Dina.

Si Dina Bonnevie ay kilalang aktres at ina ng magkapatid na sina Danica at Oyo Boy Sotto. Bago pa siya pumasok sa mundo ng showbiz nanalo siya bilang first runner up ng Miss Magnolia 1979 Beauty Contest.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel