Nadine Lustre, hindi napigilang maging emosyonal sa performance ng contestant sa ‘Your Moment’

Nadine Lustre, hindi napigilang maging emosyonal sa performance ng contestant sa ‘Your Moment’

- Hindi napigilan ni Nadine Lutre na maging emosyonal sa isang performance sa programang Your Moment

- Isa siya sa mga judges ng nasabing talent show kung saan kasama niya sina Billy Crawford at Boy Abunda

- Inamin ni Nadine na iniyakan niya dati ang kantang Jealous na napiling kantahin ng isang contestant

- Dagdag pa niya emosyonal talaga siyang tao at masakit talaga ang mensahe ng kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni Nadine Lustre na maging emsyonal sa isang performance sa programang Your Moment kung saan isa siya sa mga hurado.

Isang dating magkasintahan na nagpasyang maghiwalay ang nagperform ng awiting Jealous" na pinasikat ng Labyrinth.

"May magic talaga kayong dalawa," ani ni Nadine kay Keren Lazaro at Mark Takeuchi nang magbigay siya ng kanyang komento.

"Iniiyakan ko rin kasi iyang song na iyan dati, iyong meaning niya talaga ay sobrang sakit," dagdag pa niya.

Gayunpaman, ang kanyang naramdaman ay hindi diumano dahil sa isang tao kundi dahil emosyonal lang talaga siya.

Matatandaang ibinahagi ni Nadine Lustre at James Reid na totoong nagkahiwalay na sila. Sa pamamagitan ng isang joint statement sa programa ni Boy Abunda, sinabi nilang naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

Bago pa ang kanilang pag-amin, lumabas na ang balitang hiwalay na sila matapos diumanong, umalis ng aktres sa bahay ni James. Nadawit sa isyu ng hiwalayan ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa. Gayunpaman, mariing tinaggi ni Issa na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nadine Lustre ay isang aktres, recording artist, product endorser at TV host.Nakilala siya bilang katambal ni James Reid sa ilang pelikula kagaya ng Diary ng Panget at Talk Back and You're Dead. Ang kanilang tambalan na sinubaybayan at sinuportahan ng maraming fans ay kilala bilang JaDine mula sa pinagsamang pangalan nilang dalawa.

POPULAR: Read more about Nadine Lustre here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel