Lolong pedicab driver, pilit kumakayod kahit sinasabihang mabagal

Lolong pedicab driver, pilit kumakayod kahit sinasabihang mabagal

- Sa kabila ng edad ay pilit pa ring tinatyaga ng isang lolo na isang pedicab driver ang pagod at hirap sa pagpepedal

- Hindi nito alintana ang sariling kalusugan may maipakain lamang sa kanyang pamilya

- Hindi tuloy napigilan ng isang netizen ang ibahagi ang kwento ng matanda sa social media minsang masakay siya dito

- Ayon pa sa matanda, marami man daw ang nagrereklamo dahil sa bagal niyang magpaandar, wala naman daw itong magagawa kung 'di ang magpatuloy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng edad, patuloy pa rin sa pagpepedal ang isang lolong pedicab driver na nagviral sa social media.

Sa isang Facebook post ng netizen na si ‎Joana Karyl Alforte Arce‎ sa isang Facebook group, ibinahagi nito ang sitwasyon ng matanda.

Ayon pa sa matanda, marami man daw ang nagrereklamo dahil sa bagal niyang magpaandar, wala naman daw itong magagawa kung 'di ang magpatuloy para sa kanyang pamilya.

"'Kaya ko naman kaso mabagal lang kasi malakas ang hangin', 'Dami nga nag rereklamo minsan kasi mabagal daw pero kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas' -Tatay," ayon sa caption ni Arce.

Hindi naman naiwasan ng maraming netizens ang maantig sa kwento ni lolo.

"Tatay nwaybigyan kyo ni ng klakasan at sana ung mga msakay sainyo n mraming pera bigyan kyo ng sobrang byad kung bga tulong n saiyo."
"Sana lahat ng ssakay ke tatay ddoblehin ang bayad sakanya. Sana lang naman."
"Ok lng yan tay ang mahalaga safe ka at safe ang pasahero mo... Saludo ako sayo tay."
"Kelangan maging malawak ang pangunawa ng mga pasahero."
"npatulo luha q."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ilang netizens naman na nakakita sa post ni Arce ang nagpaabot ng tulong sa matanda at sa asawa nito.

Kita naman sa mga ito ang saya at pasasalamat sa mga tulong na tinanggap mula sa mga taong nagmalasakit sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel