Hospital worker sa Binondo, nangambang may 'coronavirus' ang chinese na isinugod sa MMC

Hospital worker sa Binondo, nangambang may 'coronavirus' ang chinese na isinugod sa MMC

- Nagpadala ng email sa programa ni Tulfo ang isang concerned hospital worker ng Metropolitan Medical Center

- Nangamba kasi itong maaring may coronavirus ang lalaking Chinese na dinala sa naturang ospital sa Binondo na nakararanas ng mga sintomas ng kinatatakutan virus ngayon

- Mula Wuhan, China ang lalaki kaya naman labis na naalarma ang mga nasa ospital

- Pinaiimbestigahan na ng programa ni Tulfo sa Department of Health ang kasong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naalarma ang isang health worker sa Metropolitan Medical Center (MMC) sa Binondo, Manila dahil isang lalaking chinese ang isinugod doon at mula raw ito sa Wuhan, China.

Dumulog ang di pinangalanang health worker sa programa ni Raffy Tulfo dahil nangamba silang mayroong coronavirus ang pasyente.

Nagpapakita kasi ng sintomas ng bagong coronavirus ang lalaki tulad ng ubo at sipon kaya humingi ng tulong ang health worker na ito kay Tulfo upang makarating sa kinauukulan ang sitwasyong ito.

Nagsagawa na raw ang MMC ng ilang test sa pasyente at pinadala na rin nila ito sa Research Institute of Tropical Medicine upang makumpirma ang tunay na kalagayan ng pasyente.

Labis ang pangamba ngayon ng mga nasa MMC lalo pa at aminado silang hindi sila ganoon kahanda kung ano ang nararapat na gawin sakaling makumpirmang na-infect nga ang lalaking ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad na pinai-imbestigahan ni Tulfo sa Department of Health ang sitwasyon ito para sa agarang aksyon.

Kamakailan at ginimbal ang buong mundo ng novel coronavirus na mula di umano sa Wuhan, China.

Isa itong nakamamatay na karamdaman na ang mga sintomas at tila pangkaraniwan tulad ng ubo at sipon.

Kasalukuyan ay wala pang kumpirmadong kaso ng coronavirus ang bansa kaya naman maigting na seguridad ang ginagawa sa airport pa lamang upang di na ito makarating pa sa bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel