"Natatakot na po kami" 2 Pinoy sa China, nagpapasaklolo na

"Natatakot na po kami" 2 Pinoy sa China, nagpapasaklolo na

- Dalawang Pilipino na naninirahan sa Hubei, China ang nagpapasaklolo na dahil sa takot sa kanilang kalagayan dahil sa novel coronavirus

- Sa pamamagitan ng Facebook, nanawagan ang dalawa kay Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sarah Duterte na iligtas sila mula roon

- Ayon pa sa mga ito, lubhang nakakatakot na ang kanilang sitwasyon sa Hubei matapos i-lockdown ang ilang lugar dahil sa virus

- Iginiit nila na bukod sa posibilidad na mahawaan ng sakit ay nagkakaubusan na rin ng supplies dahil wala nang nakakapasok at nakakalabas sa mga isinarang bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang Pilipino na naninirahan sa Hubei, China ang nagpapasaklolo na dahil sa takot sa kanilang kalagayan dahil sa novel coronavirus.

Nakilala ang dalawa na sina sina Liz De Guzman at Shaukeen Canas, kapwa nagta-trabaho sa Hubei.

Sa pamamagitan ng dalawang Facebook videos, nanawagan ng tulong ang mga ito para sa kanilang kaligtasan.

Maging kina Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sarah Duterte ay humingi na rin ng saklolo ang dalawa.

Ayon pa sa mga ito, lubhang nakakatakot na ang kanilang sitwasyon sa Hubei matapos i-lockdown ang ilang lugar dahil sa virus.

Bukod sa posibilidad na mahawaan ng sakit ay nagkakaubusan na rin ng supply sa mga lugar na isinara ng gobyerno dahil sa takot na kumalat pa ang 2019-nCoV.

Nasasaksihan daw mismo nila ang kalunos-lunos na sitwasyon sa China.

Sabi pa ni De Guzman, apat na araw lamang ang itatagal ng isang tao kapag ito ay nahawaan at hindi naagapan.

Imposible rin daw na hindi lumabas sa kani-kanilang mga bahay dahil kinakailangan din nilang bumili ng pagkain.

Kwento pa ng dalawa, sinubukan pa raw nila ang umalis roon ngunit sinabihan daw sila na naka-lock na ang siyudad kung nasaan sila.

Maging ang taxi driver ay hindi na raw sila inihatid sa train station dahil sa takot kung kaya napilitan na silang maglakad.

Mistula na raw talagang ghost town ang Hubei.

Ayon naman kay Canas, mayroon daw mga Pilipino na nais nang umalis doon pero meron din namang nais manatili na lang.

Matatandaang naiulat na sa Wuhan, sa probinsiya ng Hubei sinasabing nagsimula ang coronavirus.

Sa China, libo-libo na ang kasong naitala dahil dito at may mga nasawi na rin kabilang ang isa sa mga doktor na isa sa mga nanguna laban sa 2019-nCoV.

Bukod sa ilang bansa sa Asia, may mga naiulat na ring infected nito sa US.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa pang netizen ang nagbahagi ng kanilang kalunos-lunos na lagay sa China matapos i-lockdown ang ilang lugar doon dahil sa coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel