Taal, alert level 3 na; ilang evacuees, nakabalik na sa kanilang mga bayan

Taal, alert level 3 na; ilang evacuees, nakabalik na sa kanilang mga bayan

- Ibinababa na sa alert level 3 ang dating alert level 4 ng bulkang Taal, dalawang linggo mula nang ito'y mag-alboroto

- Mula rin sa 14 kilometer radius na sinabing danger zone mula sa bulkan, naging 7 kilometers na lang ito

- Kaya naman marami nang mga evacuees ang nakabalik na sa kani-kanilang tahanan

- Ngunit paalala pa rin ng Phivolcs na maging alerto lalo na sa mga lugar kung saan nagkaroon ng fissures o pagbitak lalo pa at maari pa ring makaranas ng paglindol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming evacuees ang natuwa at tila unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asa matapos na i-anunsyo ng Phivolcs na alert level 3 na lamang ang status ng bulkang Taal ngayong Enero 26.

Matapos ang dalawang linggo mula nang mag-alboroto ang bulkang Taal, unti-unti nang nagsisibalikan ng kanilang bayan ang mga evacuees na lumikas.

Mula rin sa 14 kilometer radius na danger zone, bumaba na ito sa 7 kilometers kaya naman marami nang bayan ang inalis na sa lockdown.

Sa ilang video at larawang binahagi ng mga netizens, makikitang masasaya nang naglilinis ng kani-kanilang mga tahanan ang mga nakauwi nang evacuees.

Ngunit paalala ng Phivolcs, maging alerto pa rin ang mga naapektuhan ng Taal lalo pa ang mga lugar kung saan nagkaroon ng mga fissures o pagbitak ng lupa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maari parin kasing makaranas ng panaka-nakang paglindol na pwedeng maging sanhi ng paggalaw muli ng mga bitak na ito.

Sa inilabas din na pahahayag ng Phivolcs ngayong Linggo, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 7 kilometer radius na danger zone mula sa bulkan.

Pinaalalahanan din nila ang mga lokal na pamahalaan ng mga barangay at bayan na muli nang binuksan na suriing mabuti ang kanilang lugar.

Ibayong pag-iingat pa rin ang dapat gawin ng mga residente na malapit sa ilog na nagkaroon ng deposito ng abo lalo na kung makaranas pa ang lugar ng pag-ulan.

Bagaman at tila magbabalik na sa normal ang ilang mga apektadong lugar lalo na sa Batangas, maging mapangmasid at nararapat na maging alerto pa rin hangga't di pa tuluyang natatapos ang pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Narito ang video nga pagbabalik ng mga residente ng Lemery mula sa Philippine Star:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel