Vice Ganda, napaluhod sa kaba sa sagot ni Yorme sa kanyang tanong

Vice Ganda, napaluhod sa kaba sa sagot ni Yorme sa kanyang tanong

- Hindi napaghandaan nina Vice Ganda at Jhong Hilario ang naging sagot ni Yorme sa tanong sa kanya

- Sa segment ng It's Showtime na Mini Ms. U, naitanong sa isang contestant kung ano ang gagawin niya kapag nahulog ang kanyang pagkain

- Naikuwento ni Vice Ganda na kinain ni Yorme ang kanyang singkamas sa dressing room at pabirong sinabi na madumi na iyon

- Humingi naman ng dispensa sina Jhong at Vice sa mga manonood na kumakain dahil sa naging sagot ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kinaya nina Vice Ganda at Jhong Hilario ang naging sagot ni Yorme Aaron Sunga sa tanong na ibinato sa kanya. Sa Mini Ms. U segment ng It's Showtime, naitanong sa isang contestant kung ano ang gagawin niya kapag nalaglag ang kanyang pagkain.

Maayos na nasagot ng contestant ang tanong. Sunod na tinanong kay Yorme ang tanong. Naibahagi ni Vice Ganda na pumasok si Yorme sa kanyang dressing room at kinain ang kanyang singkamas at sinawsaw pa sa bagoong.

Kasunod nito, biniro ni Vice na marumi na iyon kaya hindi niya kinakain kaya tinanong niya ang bata kung ano ang gagawin niya pag sumakit ang tiyan niya.

Napaluhod si Vice sa naging tugon ni Yorme lalo at hindi nila napaghandaan ang sagot nito. Napuno ng tawanan ang studio sa nakakatuwa at inosenteng sagot ni Yorme.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Aaron Sunga o sumikat sa bansag na Yorme ay unang nakilala dahil sa kanyang video sa Facebook na nag-viral. Kinagiliwan ang kanyang pagiging bibo hanggang sa naanyayahan siyang mag-guest sa Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya si Mayor Isko Moreno.

Kasunod nito ay nakasama na siya sa It's Showtime at napapanood sa Mini Ms. U segement ng noontime show.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

POPULAR: Read more about https://kami.com.ph/tag/vice-ganda.html

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel