Coronavirus scare: Netizen, ibinahagi ang kalunos-lunos na lagay sa Wuhan

Coronavirus scare: Netizen, ibinahagi ang kalunos-lunos na lagay sa Wuhan

- Ibinahagi ng isang netizen ang kalunos-lunos na lagay sa Wuhan matapos i-lockdown ang buong siyudad dahil sa coronavirus

- Sa video na ibinahagi nito, makikita ang isang pamilihan na halos wala nang laman dahil sa takot ng mga residente na magutom

- Sa isang report naman, kita naman ang isang ospital na punong-puno ng mga taong natatakot para sa kanilang kalusugan

- Habang ang ilang dayuhan sa lugar ay hindi rin pinaalis doon ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang video na ni-reupload ng South China Morning Post, ibinahagi ng isang Turkish woman, isa sa mga residente sa Wuhan, China, ang kanilang sitwasyon matapos i-lockdown ang siyudad.

Matatandaang naka-lockdown ang Wuhan matapos kumalat ang coronavirus (2019-nCoV) na sinasabing nag-ugat sa isang wildlife market doon.

Ipinatigil lahat ng klase ng transportasyon at inabisuhan ang lahat ng mamamayan na huwag lumabas ng kani-kanilang mga bahay.

Sa video na ibinahagi ng babae, ipinakita nito ang isang pamilihan na halos wala nang laman dahil sa takot ng mga mamamayan na magutom.

Batay pa sa report ng SMCP, ipinakita rin ang isang ospital na punong-puno ng mga tao dala ng pangamba para sa kanilang kalusugan.

Ayon sa huling tala, hanggang Sabado ng umaga, umabot na sa 42 ang nasawi dahil sa virus na ito habang 1,370 naman ang infected na sa China.

Maging ang ilang dayuhan sa Wuhan ay hindi rin pinaalis ng mga awtoridad.

Ang World Health Organization (WHO) naglabas na ng pahayag kaugnay nito.

"WHO is closely monitoring this event and is in active communication with counterparts in China. In line with standard protocols for any public health event, an incident management system has been activated across the three levels of WHO (country office, regional office and headquarters) and the Organization is prepared to mount a broader response, if needed."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel