Mayor Isko Moreno, naluha sa "pa-epal" comment ng 1 human rights lawyer

Mayor Isko Moreno, naluha sa "pa-epal" comment ng 1 human rights lawyer

- Hindi pinalagpas ni Mayor Isko Moreno ang mga patutsada sa kanya ng isang Human Rights lawyer

- Sa isang FB live noong Biyernes, nilinaw ni Mayor Isko lahat ng naging pahayag ng abogado sa ilan sa mga posts nito sa social media

- Ilan sa mga napuna ng abogado ay ang pag-eendorso ni Yorme ng ilang produkto at ang pagpapaalis sa ilang vendors sa Maynila

- Giit ni Yorme, ang lahat ng kanyang ginawa ay para sa kaayusan ng siyudad at sa kabutihan ng mas nakararami

-May sandaling naluha pa ang alkalde sa tindi ng emosyon habang ibinabahagi ang mga nasasaksihan nitong paghihirap ng ilang kababayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mga patutsada sa kanya ng isang Human Rights lawyer.

Sa isang Facebook live noong Biyernes, nilinaw ni Mayor Isko ang ilan sa naging pahayag ng abogadong si Fahima Tajar, sa ilan sa mga posts nito sa Facebook.

Ilan sa mga napuna ng abogado ay ang pag-eendorso ni Yorme ng ilang produkto, ang pagpapaalis sa mga vendors sa mga ilegal na lugar at ang vandalism issue sa Maynila.

"Talaga bang kapag kayo’y mga bata ng pulitiko o tao ng pulitiko, wala ba sa inyo ang tinatawag na konting delicadeza na kapag oras ng delubyo, oras ng trahedya, isasantabi natin ang mga kulay natin sa mundo ng pulitika?

"Akala ko ba, public service ang gusto niyo kaya kayo’y nag-aasam na agawin ang gobyerno?

"Nagagalit kayo, pinagalitan ko kayo nang pinturahan ninyo yung pader ng may pader dito.

"E, hiningi ko lang yun, ipinangmalimos ko lang yun dahil dugyot yung underpass.

"O ngayon, sasama ang loob ninyo na nagkaroon ng gobyerno na nagsasaayos lang, o dahil sumama ang loob ninyo, hahanapan ninyo ng butas ng may butas, kahit butas ng karayom, bubutasin ninyo?

"Tapos kung mangangatuwiran tayo, baluktot? Dapat daw payagan ko ito dahil yung ginawa ko raw, illegal," ayon kay Yorme.

"Huwag tayong mapanghusga. Kapag delubyo, delubyo; kapag trahedya, trahedya. Walang dapat kulay ng pulitika.

"E, kayo nga, e, di ba epal din kayo? Aba bakit, nagpapa-picture pa kayo habang namimigay kayo ng bigas sa Taal.

"Yung grupo na yun, sa susunod, papangalanan ko kayo."

Giit pa ng alkalde, lahat ng kanyang ginawa pag-eendorso ay upang mas mapalawak ang kanyang mga natutulungan, lalo na iyong mga Pilipinong nanganganib ang buhay dahil sa sakit at walang pangpagamot o pangpa-opera.

"Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyo na panagutan ko sa batas kung mali ang pagtulong sa taumbayan sa ibang klase, uri, at makatuwirang pamamaraan na hindi ginagamit na parang balewala na lang ang kaban ng bayan.

"Pera ng pribado, itinulong sa tao, mali?" ayon kay Moreno.

May sandaling naluha pa ang alkalde sa tindi ng emosyon habang ibinabahagi ang mga nasasaksihan nitong paghihirap ng ilang kababayan.

"Yung luha ng nanay, hindi niyo kaya yun kasi hindi kayo naging mahirap!

"Yung umiiyak yung tatay, umiiyak yung nanay, may tumor yung anak niya, walang magawa ang gobyerno.

"Walang magawa ang mga mayor, kasi limitado ang kapangyarihan sa paggastos sa isang pasyente dahil milyon… buhay niya?

"'Yan ang tinatamaan ninyo, ng kagalingan ninyo. Diyan kayo magaling!

"O, pumunta kayo dito, dito kayo manood ng tunay na sitwasyon ng tao!

"Makita niyo yung iyak ng ina na may tumor yung anak niya.

"Magagaling kayo, magaling lang kayo dahil nag-aral kayo, pero yung pag-aaral ninyo, hindi niyo ginamit sa makatuwirang pamamaraan.

"Bakit, palibhasa maganda ang bahay mo, panatag ka na?

"O, lahat ng mga produkto gustong magpaendorso, ieendorso ko kayo, maoperahan lang yung bata na yun."

Matapos ang ilang sandaling pagtaas ng emosyon ni Mayor Domagoso, humingi naman ito ng paumanhin.

"Pasensiya na kayo. I swear to God, I’m sorry, I’m really sorry.

"Ang masakit na portion doon, yung mag-isip ka kung paano magiging maayos yung mamamayan mo, kung paano mo maitawid sila.

"Pagod ka, hindi mo na nakikita yung anak mo.

"Itutulog mo na lang, bibiyahe ka pa ulit para kunin lang yung suspect dahil may mga umiiyak na mahal sa buhay.

"Wala kayo sa totoong mundo! Nabubuhay kayo sa virtual world, wala kayo sa totoong mundo. Namumuhay kayo sa bundok.

"Inilalayo ninyo ang sarili niyo sa katotohanan at realidad ng lipunan.

"Namumuhay kayo sa mga aral, ideolohiya.

"Ito ang totoong mundo!"

Pero ani Mayor, handa siyang mag-endorso sa kabila ng pamumuna sa kanya kung ito naman ay para sa ikabubuti ng mga mamamayang nangangailangan.

Banat pa ni Yorme: "I will not stop. Mamatay ka sa inggit."

Hinamon pa nito ang abogado: "Magaling ka palang abogado, e, di tumulong ka sa mahihirap.

"Punta ka rito sa Maynila, ang daming may kaso, kulang ng abogado. Yun ang pagtulong."

Pero tila hindi magpapatalo si Tajar dahil muli nitong pinaringgan si Mayor Isko at tila idinamay pa ang pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI nang manawagan si Mayor Isko na huwag nang haluan ng pulitika ang pagtulong sa mga Taal victims.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Ggv
Mailfire view pixel