Lolo na nangangalakal, nagawang ibigay ang ₱2,000 na ipon para sa mga biktima ng Taal

Lolo na nangangalakal, nagawang ibigay ang ₱2,000 na ipon para sa mga biktima ng Taal

- Taos-pusong nagpaabot ng tulong ang isang 71-anyos na mangangalakal para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal

- Bagaman at hirap din sa buhay, di siya nagdalawang isip na ibigay sa mas higit na nangangailnganan ang naitabing pera

- Sa kanya raw hanapbuhay, pa-swertihan na raw ang kumita ng malaki-laking pera kaya naman pag may sobra, itinatago na niya

- Kailangan niya kasing kumayod dahil mayroon pa siyang anak na may special needs na kanyang binubuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang kahanga-hanga ang ginawa ng 71-anyos na si Ben Garcia na tumulong sa mga biktima ng pagputok ng Taal.

Ayon sa GMA News, pangangalakal ang ikinabubuhay ni Mang Ben at kumakayod pa rin siya para sa anak na may special needs.

Kasama ang kanyang anak na ito, nag-iikot sila sa kanilang lugar upang maghanap ng makakalakal.

Sa kita niyang 200, pinagkakasya na nilang mag-ama ang mga pangangailangan nila sa maghapon tulad ng pagkain.

Kung sinuwerte naman daw kahit na paano, nakakapagsubi siya ng kahit kaunti.

Nang malaman ni Mang Ben ang kalagayan ng ilang kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng Taal, nadurog daw ang kanyang puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman ang naitabing ₱2,000 ay pinili niyang ibigay sa mga kababayan natin sa Batangas na lubos na nangangailangan.

"Kawawa ang mga taong ito, tayo hindi naman tayo naapektuhan may naitabi akong konti. Kahit konti lang, dinonate ko na," pahayag ni Mang Ben.

Tunay na sa panahon ng pagsubok naipapakita ng mga Pilipino ang pagmamalasakit sa bawat isa. Tulad ni Mang Ben na bagaman at kinakapos din sa pang-araw araw na pamumuhay, nagawa pa ring tumulong sa mga biktima ng Taal na mas matindi ang pinagdaraanan ngayon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel