Evacuee na nagawa pa ring mamigay ng tulong kahit masama na ang pakiramdam, pumanaw na

Evacuee na nagawa pa ring mamigay ng tulong kahit masama na ang pakiramdam, pumanaw na

- Pumanaw ang isa na namang bakwit noong Enero 22

- Nakaramdam lamang daw ito ng pananakit ng ulo, ngunit imbis na magpahinga, pinili pa rin nitong mamahagi ng mga relief goods

- Ngunit matapos nitong tumulong, mas lalong sumama ang lagay ng bakwit na tanod pala ng kanilang lugar na dumaranas na pala ng stroe

- Naibyahe pa ito sa ospital na may layong 48 na kilometro ngunit di nagtagal ay binawian na rin ito ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isang bakwit mula Talisay, Batangas na si Elmer Salvia.

Kwento ng kanyang misis na si Jocelyn sa Rappler, dumaing lamang daw ng masakit na ulo ang mister.

Imbis na magpahinga, pinansin pa umano nito ang text message na nagsasabing kailangan ng tulong para sa pamamahagi ng mga relief goods.

At dahil likas na matulungin at masipag si Elmer na isa pa lang tanod sa kanilang lugar, tumulong pa rin siya para maipamahagi na agad ang mga relief goods sa mga evacuees.

Ngunit nang matapos, humingi lamang daw ito ng tubig subalit nagsimula na itong magsuka hanggang sa bumulagta na lamang.

Nadala pa ito sa ospital at doon nalamang na-stroke na ito at sa kasamaang palad ay naputukan na rin ng ugat sa kanyang ulo.

Evacuee na nagawa pa ring mamigay ng tulong kahit masama na ang pakiramdam, pumanaw na

source: Rappler
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Di nagtagal, pumanaw na rin ito.

Sadyang napakasakit ng pangyayaring ito para kay Jocelyn na kamamatay lang din ng anak noong Hunyo ng nakaraang taon.

Dumagdag pa rito ang kanilang kalagayan sa pagputok ng Taal at kung paano bubuhayin ang mga mahal sa buhay na naiwan pa sa kanya.

Napakasaklap ng pangyayaring iyon sa pamilya Salva. Napakahirap daw magsimula muli lalo pa at mula sapul ay magkasama sila ng mister.

Isa rin sa kanilang pinoproblema ngayon ay ang pambayad sa ospital at punerarya

Maging ang mga kabarangay din daw ni Elmer ay labis na mangungila sa pagkawala nito. Likas daw kasi itong matulungin kaya naman tiyak na mamimiss siya ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Hanggang sa huling hininga kasi ni Elmer ay nagawa pa rin nitong tumulong kahit na siya ay isa rin namang evacuee.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel