Polusyon lang! Inakalang ashfall sa Kamaynilaan, walang koneksyon sa Taal ayon sa eksperto

Polusyon lang! Inakalang ashfall sa Kamaynilaan, walang koneksyon sa Taal ayon sa eksperto

- Walang koneksyon sa paglabas ng makakapal na usok ng Taal ang naranasang maulap at mausok sa kalangitan ngayon ng Kamaynilaan

- Isa lamang itong polusyon dala nang maruming hangin at sinamahan pa ng bahagyang pag-ulan

- Di man ito ashfall ng Taal, lubhang masama pa rin ito sa kalusugan

- Mainam na huwag munang lumabas ng matagal kung mapansin muling ganito ang kondisyon ng ulap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inakalang ashfall muli ang makapal at makulimlim na kalangitan na naranasan ng Kamaynilaan ngayon, Enero 24.

Ito ay matapos magpakita ng ilang footages mula sa bulkang Taal na naglalabas daw muli ng makakapal na usok na ngayon lamang muli nangyari, halos pangalawang linggo mula nang ito'y mag-alboroto.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay professor Dr. Gerry Bagtasa ng UP Institute of Environmental Science and Meteorology, hindi raw ito hamog at mas lalong hindi raw ito usok ng Taal.

“Air is currently stagnant because of opposing winds over Metro Manila. High humidity or light rain gives it the appearance of fog,” paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot na malamang matinding polusyon ito sa hangin o iyong tinatawag na "smog." Kung ang normal na bilang ng air pollutants ay 25 micrograms, ang nangyari sa Kamaynilaan ngayong Enero 24 ay mayroong 63 hanggang 65 micrograms bandang ala una ng tanghali.

Kaya naman kitang-kita ang dumi ng hangin na bunga ng mga pollutants.

Bagaman at wala itong koneksyon sa Taal, labis pa rin daw itong nakasasama sa kalusugan.

Kung mapansin na ganito ang kalagayan ng kalangitan, mainam na huwag na munang lumabas.

At kung kinakailangan namang umalis, mainam na magsuot ng mask.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel