Mga OFW sa Bahrain, nag-ambagan para makauwi ang sa 3 Pinoy na na-set up at nakulong

Mga OFW sa Bahrain, nag-ambagan para makauwi ang sa 3 Pinoy na na-set up at nakulong

- Nag-ambagan ang mga Pinoy sa Bahrain para sa 3 OFW na pinababalik na sa bansa

- Isang kababayan natin ang naglakas loob na manguna para makalikom ng halaga para sa tatlo

- Walang ibang dala ang mga Pinoy at nakasuot pa ito ng damit pang-preso

- Naset-up lamang daw sila kaya naman uuwi sila sa Pilipinas na wala manlang dala sa kanilang pamilya

- Maluha-luhang nagpasalamat ang tatlo sa tulong ng mga kababayang di sila pinabayaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakaantig ng puso ang ginawa ng ating mga kababayan sa Bahrain para sa tatlong kapwa nila overseas Filipino workers.

Binahagi ng Raffy Tulfo Supporters ang orihinal na video ni Baling Jacinto Paulino kung saan makikita ang pagtutulungan ng Pinoy sa ibang bansa.

Isang babaeng OFW ang lakas loob na nagsabi ng kalagayan ng tatlo at siyang nanguna sa paglikom ng tulong ng mga Pinoy na nasa airport.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Na-set up daw ang tatlong Pinoy dahilan para sila ay makulong ng halos isang taon.

Katunayan, nakasuot pa sila ng damit ng preso at talagang walang anumang maiuuwi sa kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas at noo'y wala pa ring pamasahe.

Nang malaman ito ng mga Pinoy na naroon, di sila nagdalawang isip na mag-ambagan para sa kaawa-awang OFW.

Halos lahat ng naroon ay nag-abot ng halagang bukal sa kanilang kalooban.

Emosyonal ang babaeng nangongolekta dahil alam niyang napakalaking tulong na ng kanyang ginagawa para sa kapwa niyang labis na nangangailangan sa panahong iyon.

Kaya naman maluha-luha ang tatlong Pinoy habang nagpapasalamat sa mga kababayang di nag-alangang tumulong sa kanila.

Labis na humanga ang mga netizens sa ginawang pagtutulungan ng mga Pinoy na ito.

Tunay na kahit sa ibang bansa, kakikitaan talaga ng pagmamalasakit ang mga Pilipino sa isa't isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel