"Oldest" Taal survivor! 107-anyos na lola, dinanas ang 3 beses na pagsabog ng Taal mula 1965

"Oldest" Taal survivor! 107-anyos na lola, dinanas ang 3 beses na pagsabog ng Taal mula 1965

- Nailikas ang 107-anyos na lola na mula sa San Roque, Bauan Batangas

- Naikwento ni Lola Matilde ang kanyang karanasan sa pagsabog ng Taal mula pa noong 1965

- Maging si Lola Matilde ay nagsabing huwag pakampante sa pananahimik ng Taal

- Kaya naman maging ang kanilang pamilya ay nananatili sa kamag-anak at sumusunod sa babala ng Philvolcs patungkol sa lockdown ng ilang bayang nasa 14km radius na sinasabing danger zone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal ang 107-anyos na si Matilde Alcantara.

Ayon sa ABS-CBN, naranasan ni Lola Matilde ang tatlong beses na pagsabog ng Taal mula noong 1965, 1977 at ngayong 2020.

Kwento ng lola, masasabing mas matindi ang 1965 na pagsabog kumpara noong 1977.

Katunayan, mas marami ang namatay noong 1965 dahil na rin sa di agad na paglikas ng mga tao.

Sinasabihan na umano ang mga ito na umalis ngunit nagmatigas daw ang mga ito na manatili sa kani-kanilang bahay.

Kaya nang biglang naganap ang matinding pagsabog noon ng Taal, marami ang sugatan at nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Lola Matilde, base sa kanyang mga karanasan, di ibig sabihin na tahimik na ang bulkan ay tapos na itong magalit.

Kaya naman maging sila at ang kanyang pamilya ay sumusunod sa babala ng Phivolcs na di pa talaga maaring bumalik ang mga residente na nakatira sa 14km radius na danger zone.

Lalo pa at nasa alert level 4 pa rin ang Taal kung saan maaring magkaroon ng hazardous eruption anumang oras o araw.

Nito lamang umaga ng Enero 24 ay muling nagpakawala ng makakapal na usok ang Taal kaya naman mas lalong naging alerto ang lahat sa posibilidad ng pagsabog nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel