No man's land: Phivolcs, naalarma sa "vlog" ng 1 lalaki sa aktibong Taal Volcano

No man's land: Phivolcs, naalarma sa "vlog" ng 1 lalaki sa aktibong Taal Volcano

- Naalarma ang mga awtoridad matapos kumalat ang video ng isang lalaki na nag-vlog sa aktibong Taal Volcano

- Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa panganib na posibleng mangyari kapag biglang sumabog ang bulkan, may gas din na ibinubuga ang bulkan na delikado para sa isang tao

- Maaari rin nitong mahikayat ang iba pa sa kanya o kanilang ginawang pag-akyat sa itinuturing nang "no man's land"

- Tiniyak naman ng mga awtoridad na mas hihigpitan nila ang seguridad sa lugar upang hindi na ito maulit pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naalarma ang mga awtoridad matapos kumalat ang video ng isang lalaki na nag-vlog sa aktibong Taal Volcano, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nanatili pa rin ang Alert Level 4 o maaaring pumutok anumang oras ang bulkan at maaaring magdulot ang ginawa ng lalaki ng ibang paniniwala sa publiko, base sa ulat ng CNN Philippines.

"Of course nag-aalala po kami na baka mahikayat ang maraming tao na pumunta ng Taal Volcano Island. Napaka mapanganib po nito," ayon kay Mariton Bornas, Chief ng Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division.

Ayon sa PHIVOLCS, bukod sa panganib na posibleng mangyari kapag biglang sumabog ang bulkan, may gas din na ibinubuga ang bulkan na delikado para sa isang tao.

"Nandiyan ang posibilidad na biglang pagsaboy ng carbon dioxide. Ito ay isang volcanic gas na walang amoy, walang kulay, ngunit mabigat po ito at humahalili sa hangin. Maaari po tayong ma-asphyxiate," sabi pa ni Bornas.

Ayon pa sa opisyal, ang lugar na nasa video ay ang Daang Kastila at hindi ang Taal main crater, ganunpaman, hindi pa rin ito ligtas dahil mayroong nakitang malalaking bitak sa lugar na lumikha ng explosion pit.

"Sa explosion pit, maaring magkaroon ng biglang pagputok katulad ng sa main crater," ayon kay Bornas.

Sabi pa ng PHIVOLCS, napakaliit lamang ng posibilidad na makaligtas kung sakaling abutan ng pagsabog ang sinuman.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na mas hihigpitan nila ang seguridad sa lugar upang hindi na ito maulit pa.

Sa isa pang ulat ng KAMI, muli namang nagparamdam ang Taal Volcano ngayong Biyernes at nagbuga ng makapal na usok.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel