Taal Volcano, nagparamdam muli at nagbuga ng makapal na usok

Taal Volcano, nagparamdam muli at nagbuga ng makapal na usok

- Muli ngang nagparamdam ang Taal Volcano ngayong araw matapos nitong magbuga ng makapal na usok

- Pero ayon sa mga ulat, wala itong kasamang abo na tinatawag na "steam"

- Batay sa pahayag ng mga awtoridad, ang pagbubuga nito ng usok ay katunayan ng pag-akyat ng mainit na materyal o magma mula sa ilalim

- Normal lang din daw ito para sa isang bulkan na nasa ilalim ng Alert Level 4

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli ngang nagparamdam ang Taal Volcano ngayong araw matapos nitong magbuga ng makapal na usok kaninang umaga.

Sa isang ulat ng GMA News, umabot sa ilang kilometro ang usok na ibinuga ng bulkan ngunit wala itong kasamang abo.

Ayon naman sa mga eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagbubuga nito ng usok ay katunayan ng pag-akyat ng mainit na materyal o magma mula sa ilalim na nagpapakulo sa tubig.

Normal lamang daw ito para sa isang bulkan na nasa ilalim ng Alert Level 4.

Batay pa sa ulat, sinabing mayroon nang 466 volcanic earthquakes na naitala hanggang kaninang umaga, Biyernes.

At ang ibig sabihin daw nito ay patuloy na pag-akyat ng magma.

Tumaas din ang Sulfur dioxide (SO2) emission mula 144 tons kada araw sa 224 tons kada araw.

Ayon sa PHIVOLCS, nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano at patuloy pa rin ang pagbabawal sa mga residente na bumalik sa mga lugar na nasa 14-kilometer danger zone.

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, nagdulot ng pag-aalala sa marami ang ginawa ng dalawang residente na nag-vlog sa Taal Volcano na nagviral pa sa social media.

Ito ay sa kabila ng pagbabawal sa mga residente na bumalik o pumunta malapit sa aktibong bulkan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel