Patay na! Gimik ni "Dota boy" para makapanghuthot, binuking ng ex

Patay na! Gimik ni "Dota boy" para makapanghuthot, binuking ng ex

- Walang pag-aatubiling ibinunyag ni Madel Togonon ang ilegal na trabaho ng kanyang ex na si Nico Panerio

- Bukod sa pagiging iresponsable, ibinuking na rin ng babae ang kalokohan ni Panerio para kumita ng pera at kasabwat pa diumano ang kanyang ina

- Si Togonon ang babae na nagpost kamakailan ang tungkol sa pagpapabaya umano ni Panerio sa kanilang pumanaw na anak

- Matapos na magbigay ng kani-kanilang pahayag sa programa ni Raffy Tulfo ay agad na dumulog ang babae sa studio ng TV5 upang linawin ang tungkol sa kanyang mga akusasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos magviral ang post ng ina na si Madel Togonon tungkol sa diumano'y pagpapabaya ng kanyang kinakasama dati na si Nico Panerio sa kanilang nasawing anak, nakarating ito sa kaalaman ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Una nang naiulat ng KAMI nang dumepensa si Panerio at itinanggi ang mga akusasyon ni Togonon na naging iresponsable siya habang nasa kritikal na lagay ang kanilang anak.

Agad namang dumulog si Togonon sa tanggapan ng TV5 matapos nito at sinabing lahat ng kanyang mga sinabi laban sa lalaki ay may basehan at katotohanan.

Bukod sa pagiging iresponsable ni Panerio habang nasa kritikal na lagay ang kanilang anak, ibinunyag na rin ni Togonon ang ilegal na gawain ng lalaki.

Anito, pinagkakakitaan umano ni Panerio ang pangloloko sa mga foreigner at gumagamit ng mga pekeng account ng babae.

Bilang patunay, ipinakita pa ni Togonon ang account na ginagamit ng lalaki para makapanghuthot sa mga lalaki gamit ang internet.

Saksi rin umano siya nang minsang kumuha ng perang padala ang lalaki mula sa isa sa mga dayuhan na naloko nito.

At ang masaklap pa raw dito ay kasabwat pa diumano ni Panerio ang nanay nito.

Ayon naman sa isang abogado, posibleng makasuhan ang lalaki dahil dito na maituturing na cyber crime.

Maging ang pagpapabaya nito sa kanilang anak na nagresulta sa kamatayan ay maaari ring gamitin sa korte laban dito kung mapatunayan.

Samantala, pinangakuan naman ni idol Raffy ng tulong si Togonon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel