Tatlong Amerikanong tumutulong sa Australian bush fires, nasawi sa plane crash

Tatlong Amerikanong tumutulong sa Australian bush fires, nasawi sa plane crash

- Nasawi ang tatlong American crew na lulan ng isang plane na tumutulong sa Australian bush fire

- Nag-crash umano ang eroplano sa di pa nalalamang dahilan na siyang ikinasawi ng tatlo

- Nakakontrata umano ang tatlo upang tumulong sa di pa rin humuhupang bush fire

- Isa sa nakikita nilang dahilan ay ang malakas na hangin na nakasasagabal sa maayos na paglipad ng plane na nagsilbing water tanker

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasawi sa plane crash ang tatlong Amerikanong sakay ng water tanker na tumutulong sa paghupa ng Australian bush fire ngayong Enero 23.

Ayon sa Philippine Star, nag-crash ang water-bombing plane ng Amerika sa kabundukan habang patuloy itong lumiliyab.

Kinontrata ang tatlong si pa napapangalanang Amerikano na ito para makatulong sa walang humpay na pagliyab sa Australia.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag patungkol sa dahilan ng bagsak nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ayon sa New South Wales Rural Fire service, maaring ang malakas na hangin ang naging dahilan upang mahirapan ang water-bombing plane upang lumipad ng maayos.

"Our hearts are with all those that are suffering what is the loss of 3 remarkable, well-respected crew that have invested so many decades of their life into firefighting and fire management," ayon kay Fire Service commissioner Shane Fitzsimmons.

Dahil dito, tinatayang nasa 32 katao na ang namatay mula nang sumiklab ang bush fire noong Setyembre pa ng nakaraang taon.

Ayon naman sa ilang siyentipiko, tinatayang nasa isang bilyong mga hayop na ang mga nangamatay dahil sa tindi ng bush fire na ito sa Australia.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel