Perang tulong para sa naghihingalong anak, ipinang-gimik lang di umano ng pabayang ama

Perang tulong para sa naghihingalong anak, ipinang-gimik lang di umano ng pabayang ama

- Minsan nang nag-viral ang post ng inang si Madel Togonon tungkol sa ama ng kanyang anak na hanggang sa huling hininga ng bata ay di na nagpakita

- Maraming netizens ang nakaramdam ng awa kay Madel habang nanggagalaiti naman sa kinasama nitong si Nico Panerio

- Sa isa pang post ni Madel, pinakita nito ang usapan nila ng boss ni Nico na nagbigay ng ₱2,000 para makapunta ito sa anak na may sakit

- Ngunit nalaman ni Madel na binulsa na lamang ito ng ama ng kanyang anak at sinabing ₱100 ang naibigay ng boss

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang post ni Madel Togonon ang nakapagpataas ng kilay ng mga netizens.

Matatandaang minsan nang nag-viral ang post ni Madel patungkol sa dating kinakasama na si Nico Panerio na ama ng kanilang anak na si Ayah.

Ayon kay Madel, napaka-iresponsable raw ni Nico dahil sa loob ng 27 na araw na kritikal ang lagay ng kanilang anak sa ospital ay di man lang ito bumisita.

Katunayan, may mga post pa raw ito na madalas kasama ang mga kaibigang nag-iinom, nagdo-dota at ang masaklap, nambabae pa.

Kaya naman mag-isang kinaya ni Madel ang pagpapagamot sa kanilang anak na sa kasamaang palad ay pumanaw na rin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa post niya noong Enero 22, binahagi niya ang screenshot ng pag-uusap nila ng boss ni Nico.

Doon, napag-alaman niya na mayroon pa lang perang ibinigay ang boss ni Nico para raw makapunta at makatulong ito sa anak.

Ngunit tila sagad na raw ang kawalanghiyaan ng ama ng bata dahil ibinulsa pa rin ito at sinabing ₱100 ang kanyang nakuha kaya di pa rin makakapunta.

Talagang punung-puno ng sama ng loob si Madel kay Nico na di man lang nagpakita sa anak kahit sa huling sandali nito.

Ngayong nailibing na si Ayah, sunod na aasikasuhin daw ni Madel ang paghaharap nila ni Nico sa programa ni Raffy Tulfo.

Narito ang kabuuan ng post ni Madel:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel