Mayor ng Laurel sa Batangas, emosyonal na inihatid ang mga kababayan sa Cavite

Mayor ng Laurel sa Batangas, emosyonal na inihatid ang mga kababayan sa Cavite

- Viral ang video ng mayor ng Laurel, Batangas sa paghahatid nito sa kanyang mga kababayan na pansamantalang dinala sa Alfonso, Cavite

- Di nito napigilang maiyak sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang mga kababayan

- Nagpapasalamat naman siya sa Alfonso, Cavite sa pagtanggap sa mga evacuees mula Laurel

- Pansamantala rin kasi itong nagpaalam sa kanyang mga kababayan na naroon dahil marami pa silang naiwan sa Laurel na kailangan din nilang mai-likas

- Nagbilin ito sa kanyang mga kababayan na huwag nang makaisip na magreklamo pa dahil maayos ang kalagayan nila roon at sisiguraduhin niyang maaabutan sila ng donasyon at tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang video ng Mayor ng Laurel, Batangas na si Mayor Joan L. Amo nang ihatid nito ang kanyang mga inilikas na kababayan sa Alfonso, Cavite.

Binahagi ng alkalde ng Alfonso na si Mayor Salamat ang emosyonal na video ng Mayora na nagbibilin sa mga pansamantala niyang iiwan na kababayan sa Alfonso.

Marami pa raw kasi silang naiwan sa Laurel na dapat ding ilikas kaya di raw madalas na makikita ang kanilang Mayora sa evacuation site sa Alfonso.

Tinatayang nasa 8,000 na kasi ang evacuees na nasa Alfonso kaya naman ang ilan na ililikas pa nila sa mga oras na iyon ay dadalhin naman sa Dasmariñas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Parang ina na naghahabilin sa kanyang mga anak ang Mayora at mangiyak-ngiyak itong nagpapaliwanag sa kanyang mga kababayan ng kanilang mga dapat na tandaan habang nasa Alfonso sila.

Pinaalalahanan din niya ang mga kababayan na iwasan na makaisip pang magreklamo dahil hindi naman daw sila pababayaan sa Alfonso at sisiguraduhin din nilang makatatanggap sila ng donasyon at tulong.

Dahil dito, kapansin-pansin ang pagluha rin ng kanyang mga kababayan dala ng kanilang kalagayan at dahil ramdam nila ang busilak na puso ng kanilang butihing mayor na di sila iniwan maging sa oras ng pagsubok sa kanilang bayan.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel