ABS-CBN crisis: Radio host, may patutsada sa mga Kapamilya artists

ABS-CBN crisis: Radio host, may patutsada sa mga Kapamilya artists

- Sa pamamagitan ng social media, nagpatutsada ang radio host na si Mark Lopez sa mga Kapamilya artists kaugnay ng renewal ng ABS-CBN

- Kasunod ito ng online petition na isinusulong ng ilang artista ng network

- Sa isang post ni Lopez, inisa-isa nito ang mga diumano'y reklamo laban sa ABS-CBN

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpatutsada ang radio host na si Mark Lopez sa pamamagitan ng kanyang social media accounts sa ilang artista ng ABS-CBN.

Kasunod ito ng online petition na isinusulong ng ilang Kapamilya artists tulad nina Vice Ganda at Anne Curtis, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa isang post ni Lopez, inisa-isa nito ang mga diumano'y reklamo laban sa ABS-CBN.

Matatandaang tinututulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong 25 taon ng ABS-CBN at hanggang Marso 31, 2020 na matatapos ang kontrata ng network.

"IN LABOR

"Mga KAPAMILYA, lalu na yung mga superstars ng network, hulaan nyo kung ano itong mga ito?

1. ABS-CBN Corporation vs. Journalie Payonan et. Al GR No. 202495,

2. ABS-CBN Corporation vs. ABS-CBN IJM Workers Union G.R No: 228796

3. ABS-CBN Corporation vs. Noel Macatuno et al GR NO. 237836

4. ABS-CBN Corporation vs. Allan V. Herrera CA-GR SP No. 202497

5. ABS-CBN Corporation vs. Ronnie B. Lozares GR No. 224879 SUPREME COURT

6. ABS-CBN Corporation vs. Joseph Ong et. Al GR SP No. 225057

7. ABS-CBN Corporation vs. Jaime Concepcion GR SP No. 230576

8. ABS-CBN Corporation vs. Jose Zaballa et. Al GR SP No. 225874

9. ABS-CBN Corporation vs. Taucer Tyche V. Benzonan GR No. 217496

10. ABS-CBN Corporation vs. Jeffrey Evangelista NLRC NCR 08-11588-10

11. ABS-CBN Corporation vs. Elmer Evaristo et. Al NLRC Case No. 06-08556-10

12. ABS-CBN Corporation vs. Ricardo Cajoles et. Al GR No. 219125

13. ABS-CBN Corporation vs. Richard Nayve et. Al LAC No. 07-002138-13

14. ABS-CBN Corporation vs. Enrico Castulo GR No. 206452

15. ABS-CBN Corporation vs. Jerwil Gava et. Al GR No. 214288

16. ABS-CBN Corporation vs. Antonio Bernardo S. Perez GR No. 225101

17. ABS-CBN Corporation vs. Articona, et. Al Gr No. 213817 First Division

18. ABS-CBN Corporation vs. Tajanlangit, et. Al GR No. 219508 First Division

19. ABS-CBN vs ALBERT DEL ROSARIO et.al Gr no.2024811 SC 2ND division

Bukod pa rito, naungkat din ni Lopez ang isyu tungkol sa 100 na manggagawa ng ABS-CBN na diumano'y ilegal na tinanggal ng network.

"Andami di ba?

"It only means malaki problema sa mga empleyado.

"Gusto ko ma interview itong sina Alain Andres Pardo at si Rolli Barron para mabigyan linaw ang mga issues.

"Pag usapan natin ito mga Paps...

"Tapos, hingi tayo tulong sa mga artista ng Kapamilya network. Baka sakali mag petition sila para tulungan kayong mga manggagawa...

"Puede ba yan Vice Ganda?" giit pa ni Lopez.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel