Wuhan virus: Chinese na may sintomas, "dumiskarte" para makalusot sa airport

Wuhan virus: Chinese na may sintomas, "dumiskarte" para makalusot sa airport

- Hindi ikinatuwa ng marami ang post ng isang Chinese woman sa kanyang social media account kung saan inamin nito na "dumiskarte" lang ito para makalusot sa airport

- Ayon sa ulat, sinabi ng babae sa post nito na mayroon itong lagnat at ubo bago ito bumiyahe papuntang France

- Dahil sa takot, uminom daw ito ng gamot at dahil dito ay na-kontrol ang kanyang temperature

- Umani naman ng mga negatibong komento ang ginawa ng babae

- Batay pa sa ulat, agad na nakarating sa mga awtoridad ang insidente at natunton na rin ang babae na nasa France ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi ikinatuwa ng marami ang post ng isang Chinese woman sa kanyang social media account kung saan inamin nito na "dumiskarte" lang ito para makalusot sa airport at makabiyahe papuntang France.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, naalarma ang marami matapos mag-post ang babae na nakilala lamang na si Ms. Yan sa kanyang WeChat account, habang nasa isang restaurant sa France.

Dito, inamin ng babae na mula sa Wuhan na mayroon siyang lagnat at ubo bago bumiyahe papunta sa France.

“I had a fever and a cough before I left – I was so scared. I quickly took some medicine and checked my temperature. Luckily the temperature was controlled and I had a smooth journey through the border,” anito.

Hindi naman malinaw kung saang airport ito dumaan at kung kailan ito dumating.

Agad naman itong nakarating sa Chinese Embassy.

“Our embassy has received multiple phone calls and emails from Chinese nationals regarding a woman from Wuhan who posted on social media about deliberately taking fever medication in order to evade the airport temperature checks,” ayon sa statement nito.

“We attach high importance to this incident and were able to contact Ms Yan, who is involved in this incident. We have requested that she call the French emergency hotline [for her case] to be handled by the relevant departments".

Dahil dito, hinikayat ng Chinese Embassy ang lahat ng citizen na bumibiyahe na sumunod sa mga isinasagawang airport health checks.

Sa isa pang ulat ng KAMI, kinumpirma naman ng mga awtoridad na dumating sa Maynila ang pamilya ng isang lalaking apektado ng coronavirus.

Batay naman sa mga ulat, umabot na sa 17 ang namatay at mahigit 500 na rin ang infected ng virus na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel