Pamilya ng 1 lalaking apektado ng virus mula sa China, nasa Maynila

Pamilya ng 1 lalaking apektado ng virus mula sa China, nasa Maynila

- Kinumpirma ng mga awtoridad na dumating nga sa Pilipinas ang ilang miyembro ng pamilya ng lalaki mula sa Hong Kong na apektado ng coronavirus mula sa China

- Batay sa mga ulat, ang 39-anyos na lalaki ang kauna-unahang kumpirmado ng kaso sa Hong Kong

- Bagamat hindi nagpakita ng sintomas ang pamilya nito, itinuturing pa rin itong "close contact" sa infected na lalaki

- Nanawagan naman ang Cebu Pacific Air, kung saan sumakay ang mga ito papunta sa Maynila, na magpatingin sa doktor ang mga pasahero sa flight 5J111 noong Miyerkules

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng mga awtoridad na dumating sa Maynila ang ilang miyembro ng pamilya ng lalaking apektado ng coronavirus na nagmula sa China, sakay ng Cebu Pacific flight 5J111.

Ang nasabing lalaki na mula sa Wuhan ang kauna-unahang kaso ng coronavirus (2019-nCoV) sa Hong Kong.

Batay sa ulat ng South China Morning Post, nakitaan ng sintomas ang lalaki nang dumating ito sa West Kowloon at nagpositibo sa 2019-nCoV.

“His relatives are actually not cases. They are close contact of this now preliminary-positive result patient,” ayon kay Constance Chan, direktor ng Department of Health sa HK.

Agad naman daw nilang ipinaalam ang tungkol dito sa Pilipinas.

“So what we are doing, we are following international practice, we will inform the Philippines authority so that they will do the necessary control measures on their side,” ani Chan.

Ayon naman sa Cebu Pacific, lahat ng dumating sa Pilipinas sakay ng Cebu Pacific flight 5J111 ay na-screen ng Bureau of Quarantine at wala umanong nagpakita ng sintomas sa mga ito.

Nanawagan naman ang airline sa lahat ng sakay ng nasabing flight na magpatingin sa doktor kung magkakaroon ng sintomas na katulad ng flu.

"As precautionary measure, we advise passengers who were aboard Flight 5J 111 last 22 January 2020 to immediately seek medical attention should they exhibit flu-like symptoms including runny nose, cough, sore throat or fever," ayon sa inilabas na statement.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patuloy naman ang pagkilos ng mga awtoridad sa China upang hindi na kumalat pa ang nasabing virus na umabot na rin sa US!

Ilang bansa na rin sa Asia ang mayroong apektado nito tulad ng Taiwan, Japan at South Korea na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel