Vice Mayor ng Talisay, maaring kasuhan sa pambabatikos sa Phivolcs

Vice Mayor ng Talisay, maaring kasuhan sa pambabatikos sa Phivolcs

- Nagbigay babala na ang The Department of the Interior and Local Government sa Vice Mayor ng Talisay na si Charlie Natanauan na itigil na ang pambabatikos sa mga ahensya ng pamahalaan lalo na sa Phivolcs

- Maari na raw kasi itong humarap sa patong-patong na kaso kung di nito titigilan ang pagki-kwestyon sa mga ahensya partikular na sa Phivolcs

- Matatandaang hinihimok na ng Vice Mayor ang kanyang mga kababayan na bumalik na sa kanilang lugar sa Talisay at sinabihan pa nito ng "siya ba ang Diyos?" si Phivolcs OIC na si Dr. Renato Solidum

- Malinaw kasing naghihigpit na ang kinauukulan sa total lockdown sa mga lugar na nasa 14km radius ng danger zone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

“If he will not stop, we will issue a show cause order against him.” ito ang pahayag ni DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya patungkol kay Vice Mayor ng Talisay na si Charlie Natanauan na walang humpay ng pambabatikos sa mga ahensya ng pamahalaan lalo na sa Phivolcs.

Matatandaang si Natanauan ang nagsabi kay na OIC ng Phivolcs at undersecretary ng DOST na si Dr. Renato Solidum ng "Siya ba ang Diyos."

Matatandaang pilit kasing kinukumbinsi ni Natanauan ang kanyang mga kababayan na umuwi at bumalik na sa Talisay.

Ngunit lubha pa talagang mapanganib ang desisyong ito at pasok ito sa 14km danger zone mula sa crater ng Taal.

Ayon pa sa Vice Mayor ng Talisay, wala naman na raw indikasyon nasasabog pa muli ang bulkan kaya naman pinauuwi na niya ang mga kababayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Brig. Gen. Vicente Danao Jr., Calabarzon police director, ay di na rin napigilang magsalita patungkol kay Natanauan at sa balak nitong ipagawa sa mga taga- Talisay.

Sinabi ni Danao na kung may mangyaring di maganda sa mga kababayan niya dahil sa pagkumbinsi ng Vice Mayor sa mga ito, siya raw mismo ang hihila kay Natanauan sa bunganga ng Taal.

Lubha pa ring mapanganib sa mga apektadong lugar ng pagsabog ng Taal lalo na at nakataas pa rin ang alert level 4 ang estado ng bulkan. Nangangahulugan lamang na may mas maaring malakas at nakapipinsalang pagputok ang bulkan anumang oras o araw.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel