2 residente, tahasang pinuntahan at kinunan ng video ang Taal Volcano

2 residente, tahasang pinuntahan at kinunan ng video ang Taal Volcano

- Hindi alintana ng dalawang residente ang kapahamakang pwedeng idulot ng kanilang pagpunta sa Taal Volcano

- Sa isang video na in-upload sa social media, kita pa ang umuusok na bahagi ng bulkan

- Ngunit ayon sa lalaking nagsasalita, ito araw ay wala pa sa kalahati bago maakyat ang tuktok ng bulkan

- Ayon sa mga awtoridad, nananatili pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano, ibig sabihin nito ay posibleng pumutok ito anumang oras

- Ipatutupad na rin ang total lock down sa mga lugar na malapit dito dahil sa panganib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang natakot para sa dalawang residente na matapang na inakyat at kinunan pa ng video ang Taal Volcano.

Sa video na in-upload ng netizen na si Arman Acasio, ipinakita ng mga ito ang ilang bahagi ng bulkan natabunan na ng makapal na abo at ang iba pa nga ay umuusok pa.

May ilang parte rin nito na naninilaw at tila nagbabaga pa.

Ayon sa lalaki na nagsasalita sa video, wala pa raw ito sa kalahati para makapunta sa pinakatuktok ng bulkan.

Anito, ang parte na iyon ay kakahuyan na nilamon na ng abo, patunay ang ilang mga punong-kahoy na tanging sanga na lang ang natira at makikitang tila nasunog ang ibabang bahagi.

Kapansin-pansin din ang malalaking hukay na bumubuga ng usok at nakakakilabot.

Ngunit tila hindi alintana ng mga umakyat na residente ang panganib na dala ng maaaring pagputok ng bulkan.

Una nang sinabi ng PHIVOLCS na delikado na ang lugar. Maging ang abo at usok mula sa bulkan ay maaari ring magdulot ng kapahamakan sa kalusugan ng isang tao.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang bulkan, ibig sabihin ay posible itong pumutok anumang oras.

Hati naman ang naging opinyon ng mga netizens sa ginawa ng mga residente na hindi pa alam kung paano nakalusot sa mga awtoridad.

"Ingat kuya,,,ngaun kita na ng marami kung saan bhagi ng taal ang pumutok."
"Isa to sa masawi pag pumutok bigla ang bulkan. Tigas ng ulo niyo."
"Kuya delikado ginagawa nyo."
"Kumbaga kay kuya eh andito na rin lang tayo eh ala eh bidyuhe sige para malaman ng marame ang itsura ng bulkang areh!!!"
"Pag biglang sumabog yan ang bulkan na yan at nandyan kayo ipapahamak niyo pa ang mga rescuer na magliligtas sa inyo."
"Panis ang mga Vlogger at Reporter kay kuyang batangenyo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isang matandang lalaki naman na hindi lumikas sa Taal Island ang nanawagan sa mga anak na puntahan siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel