Video ng pahirapang pagkuha ng relief goods, nilantad ng isang nagmalasakit na netizen

Video ng pahirapang pagkuha ng relief goods, nilantad ng isang nagmalasakit na netizen

- Nag-viral ang video ng pagkuha ng relief goods sa Batangas na tila pinahirapan pa ang mga evacuees sa pagkuha

- Hinihingan pa umano ang mga ito ng pirma ni kanilang kapitan o konsehal bago sila makakuha

- Ang masaklap pa raw, kailangan ay orihinal na pirma at di maaring xerox na lamang na ang katwiran ng ilan ay nagkaubusan na

- Ayon sa karamihan ng netizens, kaawa-awa na nga ang lagay ng mga kababayan nating apektado ng pagputok ng bulkang Taal, di pa sila basta makatanggap ng diretsahang tulong at tila pinapahirapan pa lalo sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video na kuha sa Barangay Maria Paz kung saan makikita ang mga evacuees na naroon na matiyagang pumipila para makakuha manlang ng relief goods.

Ayon sa orihinal na post ni Jhay De Villa Quilao na binahagi rin ng Raffy Tulfo Supporters, tila pinahirapan pa ang mga evacuees sa pagkuha ng relief goods at hinihingan pa umano ang mga ito ng papel na may pirma ng kanilang kapitan.

Kinakailangan din na orihinal ang pirma ng kapitan ng kanilang barangay o di kaya naman ay ng kanilang konsehal.

Isang lalaki ang lumapit at nagtanong kung maaring tanggapin ang kanyang papel na photocopy na lamang. Tinanggihan ito ng babaeng nagsasalita dahil malinaw daw na orihinal dapat ang pirma.

Isa pa muling lalaki ang lumapit at tinanong ang babae kung saan ito nagtatrabaho. Hindi ito agad na nakasagot at sinabi muli na iyon ang utos ng kapitan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman muli siyang tinanong ng lalaki at sumagot na ito na sa "government" daw.

Wala naman nang ibang umapela ngunit ang mga netizens ang nakaramdam ng awa sa mga evacuees na ito.

Habang sa ibang evacuation centers kasi ay maayos ang iba na nakakakain tatlong beses isang araw, may maayos na higaan at masisilungan, ang mga evacuees na ito ay nakabilad halos sa init ng araw na animo'y namamalimos sa donasyong para naman talaga sa kanila.

Ayon sa maraming netizens, kalunos-lunos na nga ang kanilang kalagayang wala pang kasiguraduhan kung hanggang kailan, ganito pa ang kanilang sinasapit sa pagkuha ng tulong na dapat ay naibibigay sa kanila agad nang wala nang kung ano-ano pang hinihingi.

Narito ang kabuuan ng viral video na umabot na sa mahigit limang milyong views.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel