Janitor ng Manila City Hall sa loob ng 33 na taon, kinilala at pinarangalan

Janitor ng Manila City Hall sa loob ng 33 na taon, kinilala at pinarangalan

- Kinilala ang isa sa masisipag at dedikadong empleyado ng City Hall ng Maynila

- 33 taong naninilbihan ang empleyadong ito na natutulog mula Lunes hanggang Biyernes sa city hall para makatipid sa pamasahe

- Labis na hinangaan ni Mayor Isko Moreno ang empleyado na kanya ring pinasalamatan sa 33 taong serbisyo nito sa lungsod

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinilala ang dedikasyon ng isang janitor na nagtatrabaho sa City Hall ng Maynila na si Melchor Duka.

Ayon sa video na ibinahagi ng PH Capital, 1987 pa nang manilbihan si Duka sa City hall at magpasa hanggang ngayon ay kinakikitaan pa rin siya ng kasipagan sa paghahanapbuhay.

Naiulat din ng Philippine Star na Lunes hanggang Biyernes ay sa Manila City Hall natutulog si Duka upang makatipid sa pamasahe.

Umuuwi na lamang ito sa kanyang pamilya sa Cavite tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Ngunit ngayon, di na niya kailangan pa itong gawin dahil maisasama na niya ang kanyang pamilya sa Maynila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay dahil ginawaran siya ng Mayor Isko Moreno ng pabahay sa Maynila bilang parangal sa katapatan nito sa kanyang serbisyo.

Bukod dito, binigyan din siya ni Yorme Isko ng bagong smartphone na galing naman sa isang sponsor.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng janitor na wala palang kaalam-alam sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya nang araw na iyon.

Ayon pa sa alkalde, patuloy silang humahanap ng pondo upang mabigyan din ang iba pang empleyado ng lungsod na tapat na nagbibigay serbisyo sa bayan.

Bukod kay Duka, dalawang guro rin ang napagkalooban ng pabahay ng lungsod.

Sa naunang ulat ng KAMI, kasama sa mga proyekto ni Yorme Isko ang condo-style na pabahay para sa mga informal settlers ng lungsod.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel