Netizen, 'di nalimutan ang Taal tour guide na nagmalasakit sa kanya noong 2014

Netizen, 'di nalimutan ang Taal tour guide na nagmalasakit sa kanya noong 2014

- Sa pamamagitan ng social media ay humingi ng tulong ang isang ginang upang matunton ang tour guide sa Taal na nakilala niya noong 2014

- Ayon dito, malaki ang utang na loob niya sa tour guide na ito na tiniis ang hirap sa pag-akyat sa bulkan para lang siya ay maging komportable

- Kaya naman naisip niyang balikan at mag-abot ng tulong para dito at sa pamilya nito

- Sa tulong ng mga netizens ay nagawa nitong makitang muli ang tour guide

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng social media ay humingi ng tulong ang isang ginang upang matunton ang tour guide sa Taal na nakilala niya noong 2014.

Sa isang Facebook post ng ginang na si Zeth Gut'z Mendoza, sinabi nitong malaki ang utang na loob niya sa lalaking tour guide. Kalakip ang larawan nilang dalawa na kuha noong bumisita ito sa Taal Volcano.

"Sa mga taga Pulo mismong sa Taal Crater.. Baka meron pong nakakakilala s knya.. Cya kc ung me dala ng kabayo na sinakyan ko noon May 10,2014... Malaking utang n loob ko sa batang yan dahil mas proirity nya n safe ako sakay ng kabayo at cya eh nglakad na lng paakyat at pagbaba sa matarik na bundok na nakaapak pa," ayon kay Mendoza.

Kaya naman naisipan nito na balikan at tulungan ang lalaki at ang pamilya nito na alam nitong nangangailangan ng tulong dahil sa kalamidad dala ng pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Sa kabutihang palad ay natunton naman ni Mendoza ang tour guide na hinahanap sa tulong na rin ng mga netizens.

Sa isa pang FB post nito ay ibinahagi nito ang ilang larawan noong puntahan niya ito sa isang evacuation center.

Nakilala rin nito ang pamilya ng tour guide na si Allan.

Nagpasalamat din si Mendoza sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya para makitang muli ang 'di nakalimutang tour guide.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano. Ito ay sa kabila ng bahagyang pagkalma nito ayon sa PHIVOLCS.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel