Lalaki, nagnakaw at nagpahuli para iwanan na siya ng girlfriend niya

Lalaki, nagnakaw at nagpahuli para iwanan na siya ng girlfriend niya

- Nakaisip ang isang lalaki sa China ng kakaibang paraan para lang layuan siya ng girlfriend niya

- Naisip ng lalaki na magnakaw na lang para tuluyan na siyang iwanan ng kasintahan niya

- Kwento ng lalaki, gusto magpakasal ng girlfriend niya pero ayaw niyang pakasalan ito kaya nag-isip siya ng paraan upang matakasan ito

- Nagnakaw ang lalaki ng Bluetooth speaker sa isang dance hall na nagkakahalagang P14, 665

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News!

Isang lalaki sa China ang nakaisip ng kakaibang paraan upang maiwasan ang kanyang girlfriend.

Nalaman ng KAMI na gusto umano magpakasal ng girlfriend ng lalaki. Subalit, ayaw ng lalaki magpakasal ditto.

Ayon sa ulat ng LADbible, para tuluyang maiwasan ang babae ay naisip ng lalaki na magnakaw na lang.

Nagnakaw ang lalaki ng Bluetooth speaker sa isang dance studio sa Huashan Road, Shanghai, na may halagang P14,665.

Nangyari ang insidente noong ika-8 ng Enero at nahuli rin siya noong mismong araw na iyon.

Tila hindi makapaniwala ang mga pulis nang malaman nila ang kadahilanan kung bakit nagnakaw ang lalaki.

Lalaki, nagnakaw at nagpahuli para iwanan na siya ng girlfriend niya

Photo from Asia Wire
Source: Facebook

“Because my girlfriend wants to marry me, but I don’t want to marry her. I knew I would be caught. I actually wanted to walk away, but I was angry,” sabi ng lalaki.

“My girlfriend wants to get married, but I don’t want to. I knew you would find me, though I didn’t think it would be so fast,” dagdag niya pa.

Kwento pa ng lalaki, naisipan niyang magnakaw na lang ng speaker dahil alam niyang hindi ito malaking kawalan para sa may-ari ng tindahan

Lalaki, nagnakaw at nagpahuli para iwanan na siya ng girlfriend niya

Photo from Asia Wire
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, ayon sa Unilad UK, hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw kung naging tagumpay ba ang plano ng lalaki na iwanan siya ng girlfriend niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel