Sen. Lacson, kumambiyo ukol sa pahayag niya sa franchise renewal ng ABS-CBN

Sen. Lacson, kumambiyo ukol sa pahayag niya sa franchise renewal ng ABS-CBN

-Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na ang kongreso ang dapat masunod tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN

-Pinaalalahan pa ni Lacson si Pangulong Duterte na sila ang dapat na mag-deliberate kung mabibigyan ng panibagong 25 taon ang istasyon

-Ngunit bigla ring binawi ng senador ang naging pahayag at inaming nagkamali ito

-Sa isang Twitter post, sinabi ni Lacson na nakasalalay na lang sa Supreme Court kung ire-revoke pa ang renewal ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napakambiyo si Senator Panfilo Lacson sa kanyang naging pahayag kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Lacson na nagkamali siya at humingi ng paumanhin.

Sa isang ulat ng Pinoy Trending, pinaalalahanan ng senador si Pangulong Rodrigo Duterte na sila sa Kongreso ang dapat na masunod kung makakapag-renew pa ang istasyon ayon sa Konstitusyon.

“Ang renewal ng franchise, ayon sa Constitution, nasa Kongreso yan. Kami ang magde-deliberate, at ang mag-a-approve niyan, Pangulo,” anito.

Kinuwestiyon din ni Lacson ang 'quo warranto' petition na isinumete ni Solicitor General Jose Calida.

"I think parang superfluous ang mag-quo warranto pa para pigilan ang pag-renew ng franchise, kasi power ng Congress ‘yan… Kami ang dapat masusunod kung mare-renew ba ng another 25 years ang media outfit…So I think medyo duplicitous ang move para pigilan, kasi hindi talaga kayang pigilan ang Kongreso,” sabi pa ng senador.

"Baka magkaroon tayo ng constitutional crisis. Kasi halimbawa, kung mag-grant ang SC ng quo warranto at kasalukuyang nagsasagawa kami ng plenary deliberation sa renewal ng franchise ng ABS-CBN, ano ang mananaig doon? Of course sabi nila, pag sinabi ng SC ganito, it becomes part of the law of the land, pero Constitution itong pinag-uusapan natin. ‘Di pwedeng sabihin ng SC na unconstitutional ang ginagawang deliberation ng Congress sa pag-renew ng franchise kasi maliwanag sa Constitution na sa amin ‘yan,” dagdag pa nito.

Sinagot naman ng Palasyo ang naging pahayag ni Lacson at ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat munang kumonsulta si Lacson sa isang abogado ukol dito.

"With due respect to my good friend Senator Lacson, he is not a lawyer. Yung portion na yun siguro ikonsulta niya muna,” ani Panelo.

At base sa tweet ng senador, sinabi nga nito na nagkamali siya ng intindi sa 'quo warranto' petition.

At nakasalalay na sa Supreme Court kung ire-revoke pa ang renewal ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dati nang sinabi ni Pangulong Duterte na ibenta na lamang ng ABS-CBN ang kanilang network, na una nang naiulat ng KAMI.

Matagal nang tutol ang pangulo sa renewal ng isa sa pinakamalaking TV network sa bansa na nag-ugat dahil sa hindi pagpapalabas ng election advertisement niya noong 2016.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel