Sekyu na nagpanggap na pulis sa 1 viral video, lumantad na

Sekyu na nagpanggap na pulis sa 1 viral video, lumantad na

-Nagsalita na sa wakas ang security guard na nagpanggap na pulis sa isang viral video

-Nilinaw din nito ang totoong nangyari at kung bakit ito nagpanggap na alagad ng batas noong mga oras na iyon

-Maging ang vendor na nakaalitan nito ay nagbigay din ng pahayag kaugnay sa pinagmulan ng gulo at sinabing sinampal pa umano siya ng sekyu na hindi na nakita sa video

-Posible namang maharap sa kasong administratibo at kriminal ang sekyu dahil sa ginawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na sa wakas ang security guard na si Rex Baltisoto, na nagpanggap na isang pulis sa isang viral video.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News dito, nilinaw nito ang nangyari noong mga oras na iyon at kung bakit siya nagpanggap bilang alagad ng batas.

Anito, nagsimula umano ang gulo dahil sa kulang na piraso ng nakatuhog na buchi chicharon na bibilhin niya sa mga ito.

Nang makita raw na kulang ay sinabi raw niya sa mga ito iyon na ikinagalit umano ng mga ito dahil naisawsaw na raw niya.

At kaya siya nagpanggap na pulis ay dahil nauna na umanong "dumukot" ang isa sa mga vendor kung kaya inunahan na niya ito.

Aminado rin si Baltisoto na nakainom siya noon at may dinadalang problema.

Ganunpaman, humingi ito ng tawad sa mga nagawa niya at handa naman daw siyang harapin ang kanyang nagawang pagkakamali.

Ngunit nakiusap din na maayos ang gulong kinasangkutan para sa mga anak.

Samantala, nagbigay din ng pahayag ang vendor na si Arnold Malate, na nakaalitan nito at sinabing nagsimula ngang magalit ang sekyu dahil sa kulang na piraso ng kanilang paninda.

Pero anito, sinabi naman daw nila kay Baltisoto na pumili na lamang ng iba dahil may natatanggal daw talaga sa mga stick.

Inamin naman nito na akma ngang bubunot ang kasama niya ng kutsilyo ngunit inawat niya at hinayaan na lamang si Baltisoto.

Giit pa nito, sinampal umano siya ng sekyu na hindi na raw nakita sa video.

Sabi naman ng SOSIA, mahaharap sa kasong administratibo at kriminal si Baltisoto dahil sa pagpapanggap nito bilang pulis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, napag-alaman naman na nagkaharap na si Baltisoto at Malate sa barangay kung saan nangyari ang insidente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel