Salute! Restaurant crew, all out sa pagtulong mahanap ang singsing ng customer

Salute! Restaurant crew, all out sa pagtulong mahanap ang singsing ng customer

- Tampok sa social media ngayon ang isang restaurant sa Malaysia dahil sa magandang serbisyo rito

- Nasa byahe na pauwi ang customer nang malaman niyang naiwan niya ang singsing sa restaurant

- Agad silang bumalik sa restaurant at tinulungan din sila ng mga staff sa paghahanap ng singsing

- Halos kalahati raw ng crew ang abala sa paghahanap ng singsing maging sa basurahan

- Labis naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa buong crew ng restaurant nang mahanap nila ang singsing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News!

Isang restaurant sa Malaysia ang hinahangaan ng mga netizens ngayon sa social media.

Nalaman ng KAMI na may mag-asawang malaki ang pasalamat sa restaurant dahil labis ang tulong na binigay nila sa mga ito.

Ayon sa isang Facebook post ng netizen na si Daryl William Bridger, kumain sila ng kanyang asawa sa Fatty Crab.

Matapos nilang umalis dito, doon lang nalaman umano ng kanyang misis na naiwan niya ang singsing niya rito. Tinanggal ng babae ang singsing niya dahil mas enjoy siya kumain gamit ang kamay.

Nilapag ng babae ang singsing sa lamesa pero nakalimutan na niyang isuot ulit ito bago sila umalis sa restaurant. Sobrang importante pa naman daw ng singsing na ito dahil galing ito sa nanay ng babae.

“When we were on the way home, 30 mins or so, my lovely wife realised that she left her ring on the table,” sabi ni Daryl.

“It was a sentimental gift from her mom,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang matuklasan ng babae na wala ang singsing sa kanya, agad silang bumalik sa restaurant. Laking gulat nila dahil labis na lang ang tulong ng mga crew sa kanila sa paghahanap.

Halos kalahati ng staff ay tumulong maghanap at maging ang mga basurahan ay hindi nila pinalampas. Nang makita nila ang singsing, nagpalakpakan daw ang lahat sa tuwa.

“Half of the staffs went to search all the rubbish bins. As soon as they found the ring, they applauded and cheered so loud as if it was their own ring,” kwento ni Daryl.

“I was mesmerised. Such sincerity and loyalty to their customers,” sabi niya pa.

Hindi pa raw tinanggap ng mga ito ang tip na binigibay nila. Malaki ang pasalamat ng mag-asawa sa mga empleyado ng restaurant dahil sa kanilang magandang serbisyo sa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel