Isang tatay, viral matapos ang kanyang sweet milk tea surprise para sa kanyang asawa

Isang tatay, viral matapos ang kanyang sweet milk tea surprise para sa kanyang asawa

- Trending ngayon online ang kwento ng isang customer na may surpresa para sa asawa niya

- Hindi pa raw nakakatikim ng milktea ang asawa ng isang tricycle driver kaya naisip niyang bilhan ito

- Kwento ng tatay, iniwan niya lang saglit ang asawa niya sa tricycle kaya nagmamadali itong bumili ng milktea

- Samantala, kilig na kilig naman ang mga netizens sa maliit pero sweet na surpresa ni tatay sa asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News!

Tampok sa social media ngayon ang kwento tungkol sa isang tatay na gumawa ng maliit pero sweet na surpresa para sa asawa niya.

Nalaman ng KAMI na hindi pa nakakatikim ng milk tea ang asawa niya kaya naisip niyang surpresahin ito.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Citea Milktea ang nakakaantig na kwento mula sa kanilang unang customer.

Kwento ni tatay, naghihintay ang kanyang asawa sa tricycle nang bigla siyang sumimple ng punta sa tindahan ng milktea. Sabi niya sa asawa niya, may kakausapin lang siya.

Tatay: Saglit lang ba yan?
Me: Opo
Tatay: Kase nag-aantay misis ko andun sa tricycle . Sarapan mo ha kase ngayon lang siya makakatikim ng milktea. Tapos ang sabi ko sakanya, may kakausapin lang ako, hindi ko sinabi na ibibili ko siya ng ganyan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kilig na kilig naman ang mga netizens sa maliit na surpresa ni tatay sa kanyanga asawa. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“sana all marunong magsurprise hahahahaha”
“Love in the simpliest way”
“Little surprises that matters most”
“Sana all hanggang pagtanda sweet padin”
“sana all ng asawa e ganyan ka thoughtful sa asawa”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel