Bayanihan! Mga Pinoy, nagtulungan para mabigyan ng pera ang OFWs na nakulong sa Bahrain

Bayanihan! Mga Pinoy, nagtulungan para mabigyan ng pera ang OFWs na nakulong sa Bahrain

- Tampok sa social media ang bayanihan na ginawa ng mga Pinoy para sa kapwa OFW nila

- Nagtulong-tulong ang mga Pinoy na makalikom ng pera para sa tatlong OFW na nakulong sa Bahrain at pauwi na ng Pinas

- Nasa P60,000 ang nakolekta nilang pera para sa mga ito at labis ang pasasalamat nila sa iba pang mga tumulong

- Samantala, natuwa rin naman ang mga netizens sa bayanihan na ginawa ng mga Pinoy kahit na sa ibang bansa pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Tila kakaiba talaga ang bayanihan ng mga Pinoy kahit na sa ibang bansa pa ito.

Nalaman ng KAMI na ilang mga Pinoy ang nagtulong-tulong para lang makalikom ng pera para sa tatlong overseas Filipino workers (OFW).

Ayon sa ulat ng Expatreaders, ang netizen na si Baling Jacinto Paulino ay nagbahagi ng mga videos sa Facebook kung saan sila ay nangongolekta ng mga pera.

Kwento ng netizen, hindi nila inaasahan na makikilala nila ang tatlong OFW habang nasa stop-over sila sa Bahrain.

Ang tatlong OFW na ito ay nakulong umano ng isang taon at tatlong linggo dahil sa krimeng hindi umano nila ginawa.

“Ang pagiging isang good Samaritan walang pinipiling oras at lugar,” giit nito.

“’Di naming lubos maisip na sa pag stop-over naming sa Bahrain, mayroon kaming natulungan na kapwa naming OFW. Sila ay sit-up sa Saudi at nakulong ng 1 year at 3 weeks,” dagdag pa nito.

Ibinahagi ng netizen na nasa P30,000 ang nakolekta nilang pera sa airport. Samantala, habang sila ay nasa flight, nasa P30,000 din ang nalikom nila.

Uuwi umano ng Pinas ang tatlong OFW na nakulong at sila ay walang kahit anong perang madadala sa Pinas. Kaya naman, hindi nagdalawang isip ang kanilang kapwa OFW na tulungan sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa bayanihan na ginawa ng mga Pinoy. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“God bless po. Nakakaproud”
“Wlang katumbas ang tulong na binigay nio sa knila... Nkatatak na yon sa isip nla magpakaylan man.. Isa kayong angel na pdala ni god. Bless u more ... Salute u both.”
“napakabuti tlga ng iyong puso . . God bless always tol”
“Hindi ko mapigil ang luha ko kabayan Maraming salamat sa pagtulong - pamangkin ko yang Gamponia. God bless you po”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel