Babae, ipinagpalit daw ng kanyang jowa sa isang doktor na beki

Babae, ipinagpalit daw ng kanyang jowa sa isang doktor na beki

-Masama ang loob ng isang complainant na ipinagpalit daw ng kanyang kinakasama sa isang beki

-Ayon dito ay nakikisama na raw ang lalaki ngayon sa beki na pinangakuan daw ito ng isang "car wash" business

-Lumapit ito kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong dahil raw nakalimutan na ng lalaki ang kanyang responsibilidad sa kanilang anak

-Ngunit itinanggi naman ng lalaking inirereklamo na mayroon itong karelasyong beki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob ng promodizer na si Juby Labrador sa kanyang kinakasama na si Geron Rentoria na ipinagpalit daw siya sa isang mayamang beki.

Ayon dito ay nakikisama na raw ito ngayon sa beki na pinangakuan daw ito ng isang "car wash".

Idinulog ni Labrador ang kanyang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo na Aksyon dahil nakalimutan na raw nito ang responsibilidad sa kanilang anak.

Pero mariin naman itong itinanggi ni Rentoria at sinabing naging pasahero lamang daw nito ang beki na nakilalang si Nile Tiburan.

Base kasi sa salaysay ni Labrador, naging pasahero ng kinakasama si Tiburan at nagpakita na raw ito ng motibo.

Mabilis naman na naakit ang lalaki lalo pa at binibigyan umano ito ng mga materyal na bagay bukod sa pangakong car wash business.

Ipinagmalaki pa raw sa kanya ng lalaki ang mga bagay na binili ng beki para rito at ayon pa kay Labrador ay inamin nito na magkarelasyon na ang dalawa.

Ngunit pagbubuking ni Labrador, sinabi raw ni Rentoria na ginagawa lamang nito iyon para sa kanila ng anak na hindi raw nito sinang-ayunan.

Matagal na rin umanong gawain ng lalaki ang pumatol sa mga bakla.

Pinabulaanan naman ni Rentoria ang mga akusasyon ni Labrador sa kanya at sinabing hindi nito nagustuhan ang pakikitungo sa kanya ng babae.

Hindi raw kasi nito maramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng babae lalo pa kapag pagod siya sa trabaho.

Nangako rin ito na hindi nito kakalimutan ang obligasyon sa bata.

Inamin naman nito na ilang araw na itong hindi nagta-trabaho.

Wala na rin daw itong magagawa kung gusto siyang kasuhan ni Labrador dahil sa pagkukulang bilang ama.

Hindi naman nakalimutan ni idol Raffy na tulungan ang complainant dahil sa sitwasyon nito.

Nangako si idol na bibigyan niya ito ng kabuhayan upang hindi na malayo pa sa anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel