Viral sekyu na nagpakilalang pulis, lumuhod na sa vendor na tinakot

Viral sekyu na nagpakilalang pulis, lumuhod na sa vendor na tinakot

-Matapos mag-viral sa social media ang video ng security guard na nagpakilalang pulis at nanakot ng vendor, agad na inaksyunan ni Raffy Tulfo ang kaso

-Base sa latest report, nagharap na sa barangay ang sekyu at ang vendor

-At ayon sa kapitan ng barangay ay naglumuhod daw ang sekyu sa inangasang vendor

-Maging ang ina raw ng sekyu ay humingi na ng tulong sa kanilang kapitan para sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos mag-viral sa social media ang video ng pananakot at pagbabanta ng isang lalaking nagpakilalang pulis, agad na inaksyunan ni Raffy Tulfo ang kaso.

Ayon kay Tulfo, mabilis na nakarating sa kanya ang balita matapos itong i-tag ng mga netizens sa kanilang programa.

Una nang naiulat ng nang supalpalin ni Tulfo ang sekyu na nakilalang si Rex Baltisoto.

Base naman sa latest report ng programa ni idol, nagharap na ang sekyu at ang vendor sa barangay.

Ayon pa kay Kapitan Lamberta Binuya, ang chairwoman sa lugar kung saan naganap ang insidente sa video, naglumuhod na raw si Baltisoto sa vendor na tinakot nito.

Nakatakdang muling magharap ang mga ito dahil hindi raw pinatawad ng vendor si Baltisoto.

Samantala, ayon naman kay Kapitan Alex Caralde, ang chairman sa lugar kung saan nakatira si Baltisoto, humingi raw ng tulong sa kanya ang ina nito, ngunit nanindigan ang kapitan na harapin ng sekyu ang kanyang ginawa.

Nakausap din ni idol Raffy ang uploader ng video na si Jeff Fuentes at sinabi nito na nagalit daw si Baltisoto dahil sa kulang na piraso ng tinuhog na paninda ng vendor.

Malakas din daw ang boses nito nang sabihin na isa itong pulis kaya naman natakot na ang mga naroon.

Kinumpirma rin nito na tinakot ni Baltisoto ang vendor na babarilin ito.

Dahil dito, hindi na raw pumalag pa ang vendor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel