Sweet na sweet na couple, spotted sa harap ng magandang view ng Mayon Volcano

Sweet na sweet na couple, spotted sa harap ng magandang view ng Mayon Volcano

- Mas pinaganda pa ng isang couple ang view ng kaakit-akit na Mayon Volcano

- Sa mga larawang ibinahagi ng isang netizen, marami ang natuwa at humanga sa ipinakitang ka-sweet-an ng mag-asawa

- Hindi tuloy naiwasan ng netizen ang kuhanan ng larawan ang mga ito na sakto pang nasa harap ng sikat na bulkan

- Maraming netizens din ang kinilig at natuwa sa picture-perfect na larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Picture-perfect nga na matatawag ang mga larawang ibinahagi ng isang netizen kung saan tampok ang bulkang Mayon.

Sa Instagram post ng netizen na si Jeff Senatorre, isang sweet old couple ang spotted sa harap ng magandang view ng Mayon Volcano.

Makikita sa unang larawan ang isang matandang babae habang nakatingin sa bulkan.

Inakala pa nga raw ni Senatorre na mag-isa lamang ito hanggang sa dumating ang mister nito.

Sa sumunod na larawan ay makikita naman na pinupunasan ng ginang ang likod ng kanyang mister.

"Akala ko nung una ay mag isa lang si Nanay habang minasmadan ang Mount Mayon.. Swipe to see Tatay. Lucky to witness this sweet couple," ayon sa post ni Senatorre.

Marami ang humanga sa magandang view ng Mayon at siyempre pa sa nakakatuwa at nakaka-inspire na mag-asawa.

Sa kabila ng kanilang edad ay ipinapakita pa rin ang pagmamahal at pag-aalaga sa isa't isa.

"Mapapa sana all ka na lang talaga."

"Thank you for sharing these photos. At least I get to see my uncle and auntie though social media!"

"ang sweet???....sana all."

"Awww ang sweet!"

"Beautiful."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, bukod sa Taal Volcano na patuloy pa rin ang aktibidad ngayon, binabantayan rin ng PHIVOLCS ang Mayon Volcano na nasa Alert Level 2, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel