Fans ni Sarah G, nakalikom ng ₱100,000 sa pagsasayaw ng "Tala" para sa Taal victims

Fans ni Sarah G, nakalikom ng ₱100,000 sa pagsasayaw ng "Tala" para sa Taal victims

- Nagamit daw sa makabuluhang paraan ang pagsasayaw ng "Tala" ng mga fans ni Sarah Geronimo

- Nakalikom ang mga "Popsters" ng ₱100,000 para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal

- Nagtipon-tipon sila sa Rizal Park at sinayaw ang sikat na dance craze ng kanilang idolo

- Binigay naman nila ang nasabing halaga sa Philippine Red Cross

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalikom ng tumataginting na ₱100,000 ang mga fans ni Sarah Geronimo sa pagsasayaw nila ng "Tala" na sobrang popular ngayon.

Ayon sa panayam ng CNN sa presidente ng "Popsters" na si Barrie Juanico, naisipan nilang gawing fund-raising activity ang pagsasayaw ng kanta ng kanilang idolo para sa biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

“Ginamit lang namin siya sa mas makabuluhang pamamaraan. Viral na siya naging way pa siya para makatulong sa mga kababayan natin sa Batangas,” pahayag ni Barrie.

₱100 lamang daw ang registration fee nila sa fund-raising activity na ito. Masasabing naging matagumpay ito dahil nasa 600 ang sumali.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang buong halagang ito ay binigay nila sa Philippine Red Cross na siyang magdadala naman sa mga biktima ng pagputok ng Taal.

Bago matapos ang taong 2019, mabilis na nag-viral ang mga "Tala dance challenge" kung saan naglabasan ang mga videos ng kanya-kanyang version nila ng sayaw na ito ni Sarah G.

May ilang nakuha pa ngang magbiro dahil sa halos kasing tunog ng "Tala" ang "Taal", at sinabing ito raw ang gumising dito kaya ito'y sumabog.

Kaya naman tila kinontra ito ng mga Popsters at pinatunayang may maganda namang maidudulot sa pagsasayaw ng "Tala" ng kanilang idolo na mayroon ding ginintuang puso.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel