Batang mataas ang lagnat at naipit sa traffic, nadala agad sa ospital sa tulong ng MMDA

Batang mataas ang lagnat at naipit sa traffic, nadala agad sa ospital sa tulong ng MMDA

- Agad na nadala sa ospital ang batang si Earl na nanginginig na sa taas ng lagnat

- Naipit pa umano sa traffic ang kotse na sinasakyan nila ng kanyang ina

- Napansin ng traffic enforcer na sumisingit na ang sasakyan kung saan sakay ang mag-ina kaya naman inalam nila kung bakit ito ginagawa

- Nang malaman ang lagay ni Earl, di nagdalawang isip ang MMDA enforcer na buhatin nalang ang bata sa pinakamalapit na ospital

- Hinangaan ang MMDA traffic enforcer sa pagiging alisto nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking pasalamat ng ina na si Mit Javellana sa alistong MMDA traffic enforcer na tumulong sa kanyang anak na agarang madala sa ospital.

Kwento ni Mit, ipit sila noon sa traffic nang manginig na ang anak na si Earl dahil sa taas ng lagnat.

Pilit na sumusingit na ng kanilang sasakyan para lamang makausad na sa trapiko nang mapansin ito ng MMDA traffic enforcer na si Jeremi Lukban.

Nang malaman ni Lukban ang sitwasyon ng bata, di na ito nagdalawang isip na buhatin na lamang si Earl at dalhin sa pinakamalapit na ospital ng naglalakad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Di raw akalain ng ina na gagawin ito ng alistong enforcer.

Kaya naman bilang pasasalamat, binahagi niya ang kabayanihan nito para na rin malaman ng karamihan ang kabutihan nito.

Maging si MMDA chairman Danny Lim ay proud sa ginawa ng isa sa kanyang enforcer kaya naman binahagi din niya ang ngayo'y viral post.

Nagpaalala rin ito na huwag magdalawang isip na humingi ng tulong sa mga traffic enforcer at i-dial lang ang kanilang numero na 136 para sa anumang emergency.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel