Mga taga-Talisay na taos-pusong nagdasal sa may Taal, nagdala ng pag-asa sa marami

Mga taga-Talisay na taos-pusong nagdasal sa may Taal, nagdala ng pag-asa sa marami

- Ilang residente ng Talisay ay taimtim na nagdarasal malapit sa Taal

- Dala nila ang replica ng Itim na Nazareno na pinaniniwalaan nilang milagroso

- Hayagan ngunit taos-puso ang kanilang pagdarasal ng rosaryo para sa kaligtasan ng mga apektadong mamamayan sa pagsabog ng Taal

- Hinangaan ang mga residenteng ito ng marami at kahit paano'y nabigyan sila ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat pagkatapos ng pangangalit ng Taal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng mga residente ng Talisay , Batangas nagdarasal paharap sa Taal.

Binahagi ni Allan Gatus ng Super Radyo DzBB ang video kung saan may dala ang mga nagdarasal ng replica ng Itim na Nazareno.

Pinaniniwalaan kasi ito ng mga Katoliko na milagroso at makatutulong na di na maging mas mapinsala pa ang nangangalit na Taal.

Gamit ang kanilang rosaryo, hayagan silang nagdasal paharap sa Taal.

Nagsaboy din sila ng bulaklak sa lawa matapos ang pagdarasal.

Samantala, bukod sa paghanga nagbigay inspirasyon ang mga kababaihan na ito sa maraming Pilipino.

Sa panahon ng matinding pagsubok na ito, tanging dasal lamang daw talaga ang nararapat nating gawin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito nag ilan sa kanilang mga komento:

"Walang ibang makapangyarihan sa lahat at wala tayong ibang kakampi kundi si LORD! Tibayan lang natin ang pananampalataya! Di tayo pababayaan"
"Never doubt the power of Prayers..."
"They say faith can move mountains. So don't belittle these people's faith and God's boundless love specially for those who seek Him through sincere prayers."
"Batangas, tagaytay and cavite residents, we want you to know that we are with you in thoughts and prayers. Please take extra care. God bless you all"
"Only prayers can save us. Respect everyone... Whatever religion they belong, what's important is we believe and trust in God, that only God can save us. If you can't join them, then, don't bash. Pray instead. God bless us all."

Umabot na sa 1.5 million views ang naturang video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel