Broken hearted na bilyonaryo, naghahanap ng babaeng isasama sa kanyang "trip to the moon"

Broken hearted na bilyonaryo, naghahanap ng babaeng isasama sa kanyang "trip to the moon"

- Isang Japanese Billionaire ang naghahanap ng babaeng makakasama sa kanyang biyahe patungong buwan

- Labis daw itong nasaktan sa pinakahuling nakarelasyon na inakala niyang iyon na talaga ang babaeng para sa kanya

- 2023 pa ang sinasabing "trip to the moon" ngunit ngayon pa lang ay nagsisimula na siyang maghanap ng makakasama at maitutiring na niyangvlifetime partner

- Si Maezawa ang founder ng sikat na online shopping app sa Japan, ang Zozotown

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hayagang sinabi ng Japanese Billionaire na si Yuzaku Maezawa ang paghahanap niya ng babaeng makakasama sa kanyang "SpaceX maiden tourist voyage" patungong buwan.

Ayon sa CNN, broken hearted umano ang bilyonaryo at labis itong nasaktan sa katatapos lamang na relasyon.

Inakala kasi nitong iyon na ang babaeng makakasama niya habang buhay.

Nilarawan niya ang sarili na "lonely" at "empty" at nais na niyang mahanap ang kanyang "lifetime partner"

Seryoso sa paghahanap ang 44-anyos na bilyonaryo at sisiguraduhin niyang kapag natagpuan na ang babaeng ito, siya lamang ang kanyang 'mamahalin'.

Bukod sa mapalad na babaeng dadalhin niya sa buwan, magsasama rin daw siya ng anim hanggang walong artist upang ma-inspire ang mga ito na gumawa ng bagong mga artworks.

Tatawagin niya ang proyekto na ito na "Dear Moon"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, para sa mga babaeng nais na sumali sa search ni Maezawa, kinakilangan lamang daw magpadala sa kanya kanilang larawan kasama na rin ang ilang detalye tungkol sa sarili gaya ng taas nito, trabaho, hobbies, "special skill" at iba pang "selling points" nito.

Gagawin itong isang dokumentaryong may pamagat na "Full Moon Lovers" na mapapanood sa streaming service na AbemaTV.

Sa katapusan ng Marso ang tinakdang araw ng pagpili ni Maezawa sa babaeng di lamang niya makakasama sa buwan kundi makakasama rin niya buong buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel